Asking for advice

Dapat ba kong ma-offend sa sinabi ng mother ng partner ko? We're both incoming college freshman this year, and unfortunate things happen and also unexpected na magkakaron kami ng baby and also due date ko na rin this month of july. Pinagbibigyan lang daw nya yung partner ko na pumunta punta sakin since 1hr and 30 mins ang byahe papunta sakin around sa metro manila and also ang sagot lang nila is yung check up ko monthly pero yung needs ng baby is wala silang sagot don, kahit isa wala pang nabibigay pero sa side ko which is my mom, halos kinumpleto na nya lahat and napapaisip rin ako kung bakit ganon sa side ng partner ko though they can afford naman. Nakakahiya lang kapag everytime na tinatanong ako kung may nabibigay daw ba aside don sa needs ng baby ko which is the check ups and vitamins, hindi ko nalang sinasagot. Plus, yung conflict pa about sa hospital na panganganakan ko, na dapat sa private ako since this is also my first time, ended up sinabi ko nalang na kahit saan since ako yung nahihiya. Isa pa sa mga nabasa ko is sineseryoso na daw ba ng anak nya yung sitwasyon at magse-settle down na daw ba. Naiintindihan ko naman since we're both studying pa pero hindi ko alam bakit na-offend ako sa ganon. Immature ba ko sa part na to? #advicepls #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kalalaking tao ng partner mukang mama's boy, nakabuntis ang anak nila dapat responsibilidad ng anak nya yun. baka ayaw sayo mi kaya naggaganyan yung side ng lalake.