active si baby
Dami po kasi nagtatanong sakin ano daw po pa ginagawa ko sa baby ko at ang dami ng kayang gawin 10months palang.. (Note: iba iba po ang mga bata pero share ko na rin po yung sakin) May screen time anak ko lalo na pangpaantok nya yun manunuod lang sya kapag nakita ko na antok na antok na sya kasi hindi ko na po sya kaya ihele at mabigat anak ko payat lang po ako. Minsan music lang nya ipeplay ko pero itatago para habang naglalaro sya may naririnig sya. Yan po ay sinasabayan ko palagi. Minsan ginagawa ko din kung ano ginagawa sa pinapanuod nya. Like..head shoulder knees ang toes.. Marami mg alam anak ko syempre bilang ina tuwang tuwa ako lalo na 1st time mom eto nga po pala kaya nyang gawin. 1.alam nya na yung head and nose nya. 2.point your fingers up and down. 3.jump jump 4.laydown 5.shake shake dede 6.kapag sinabi mo po na DEDE kapag inulit nya ibig sabihin gusto nya kapag hindi ayaw nya. 7.NO NO! iiling po sya 8.kapag ayaw nya sumama umiiling din po sya. 9.kapag nahawan nya remote itatapat nya sa tv yung parang ililipat nya po 10.madaldal 11.marunong ng magalit 12.marunong ng makipag usap. 13.highfive 14.close open 15.align 16.saw saw suka( alltime favorite namin laruin) 17.kiss 19.flying kiss 20.brush brush teeth( kapag sinabi po yan yung kamay nya idedemonstrate nya po) 21.brush brush hair.(ganun po sa #20) 22.marunong ng mamili ano ang gusto sa ayaw Meron pa po yan kasi araw araw may bago syang nadidiscover Pero hindi pa.po sya ganun naglalakad unlike sa sinasabi nila na dapat naglalakad na. Note again.iba iba po ang development ng mga bata. Pwede naman po siguro mag screentime basta may guide natin


