Stress sa family
Dalawang pamilya po kami nakatira sa bahay bali magkapatid ung papa ko at tita ko then kasama po namin lolo ko. Tag isang anak po sil ng papa ko pero nagasawa na po kami magpinsan ung, ung pinsan ko po dito na nakatira kasama asawa at anak. Ako naman na anak ni papa may baby na din po pero ndi pa po kami nagsasam ng Lip ko padalaw dalaw lang po siya . Ang lolo ko po ay naka higa na lang dahil na mild stroke po siya ndi na po makalakad hanggang upo na lang sa kama. Ask ko lang po mga Mamsh. Ung tita ko kasi angal ng angal sa pagaalaga ng lolo ko siya ung bunsong anak diba po dapat siya namn talaga ang mag alaga sa lolo ko kesa sa kapatid niya na lalaki? Pero tinutulungan namn po siya ng papa ko sa pagbuhat at pagpapaupo sa lolo ko at napapakain ng meryenda. Nakakastress po kasi may anak din naman ako inaasikaso at 10months pa lang pure breastfeed pa po. Inaasikaso ko naman paminsan minsan lolo ko pero hindi po sobra dahil may baby po ako. Share ko lang po :( Sana mapuksa na ang virus ng makaalis na kami sa bahay na to.