si ate na nagalit sakin

Dahil wala si hubby walang mautusan pumunta kami sa palengke ng baby ko. Mga momsh for the 1st time dinala ko baby ko sa palengke hahaha talagang sa maselan na kung maselan pero hindi po talaga dinadala si baby sa palengke. Natimingan po may need bilin sa palengke ayun si ateng nagtitinda ng mga kurtina haha naisipan ko po kasi bumili tutal andun na ko sa palengke. Makahawak po sa baby ko akala mo close na close muntik pa nya ikiss ramdam nya siguro medyo lumayo ako. Sabi ni ate. Hmfff.arte naman ibang nanay ok lang akala mo naman mayaman! Me: ate iba po yung maarte sa nag iingat kapag po nagkasakit anak ko sino po ba mahihirapan ? Sana ikaw mahihirapan ikaw gagastos ikaw lahat magsasakripisyo hindi ako hindi anak ko hindi asawa ko sana ikaw!

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie ramdam kita ganun din aq NSA stroller kc c baby d ko akalain na hahalikan nya c baby ung matandang lalaki,ang totoo pinahiya ko tlga yung matandang lalaki,kc inuubo ubo p nga SBI ko 'ano b yan wag nyong halik halikan baby p yan"aq nga d ko mhalikan ng ganyan yan e maseselan p mga baby ginanun ko nga..ang SBI nya Sakin ano b yan wag mo na nga dadalhin yan dito kung ayaw mo nalalamog grabe tlga..SBI ko n LNG talaga dapat maingat sa mga bata anoh,ginanun ko

Magbasa pa

Tama lang ginawa mo. Sobra naman un sino ba cya para ikiss pa ung baby mo. Hawak nga di tama eh since complete strangers kayo sa isat isa. No offense meant din pero ako ayoko ung nilalawayan ung anak ko na pwera usog daw. Napakaunhygienic nun. Pag alam kong gaganunin inilalayo ko talaga ung anak ko. Kadiri ung ganun na lalawayan na lang basta2

Magbasa pa

Tama ka momshie, iba na ang nagiingat. Ung baby ko na namatay ganyan ako dati no choice ako kung saan ako pupunta sinasama ko kahit sa public place. Noong nawala sya doon ko narealize na may posibility na nagkasakit sya kasi naexpose sya masyado. Kaya ngayon sa baby ko ngayin di ko na muna nilalabas. Saka na kung malakas na immune sytem nya.

Magbasa pa

Nako ako nga kahit kaninong kamay ayaw na ayaw kong ihahawak sa muka ng anak ko.kahit kami pa ng asawa ko lalo na kapag hindi naghuhugas at nagaalcohol kaya kami.hindi kami mauubusan ng alcohol hahahaa mahirp na magkasakit ang bata

okay lang yan, tama po kayo. mabuti na ang nag iingat kasi kawawa naman si baby pag nagkasakit tapos kayo din mahihirapan. dapat pag ganun maintindihan ng ibang tao hindi yu g basta basta ka na lang sasabihan na maarte hayss

Tama lang ginawa mo momsh. Tayo lang din naman na mga nanay ang nahihirapan at nasasaktan pag nagkakasakit mga anak natin. Okay na tawaging maarte basta safe mga anak natin atleast hindi tayo pabaya

VIP Member

Dapat nmn tlga ndi kinikiss Ang baby kc madali sila mahawa and may laway un Kya it's a no tlga..kahit nga hawak dpat ndi dn hinahawakn kc bka mamaya Kung saan saan sla humawak. Si baby Ang kawawa.

Haha sya pa may ganang magalit eh sya na nga yung makapal ang mukhang nakikipaglaro eh nd nmn sya kilala mamaya may malubhang sakit sya haha kaya lang sayad ata sa utak meron si ate

huwag muna pansinin tama lang ginawa mo hindi sa pagiinarte yun, for safety lang hindi mo alam kung ano ang sakit pwede ipasa sa baby. kaya for me tama lang yung ginawa mo.

Tama yung ginagawa mo sis. Ako pag nakapanganak nako ayaw ko din na kinikiss ng iba yung baby ko lalo na pag di ko kilala. Baka may sakit at mahawa baby ko