PALABAS NG SAMA NG LOOB!!

Currently pregnant, naisstress ako ngaun sobra mga mamsh, dami pumapasok sa isip ko, iniiwasan ko mag isip ng problema pero d ko maiwasan. Ung husband ko nakuha na ung back pay sa last nyang trabaho, so ayun as usual kumain kami sa labas tapos namili ng ibang kailangan namin like bagong sapatos nya para sa work nya since malapit na masira ung gamit nya, payong at kung anu ano pa. Nakakalungkot lang mga mamsh, hanggang ngaun pagdating sa sahod nya nagpapadikta pa rin sya sa kuya nya ??. Di ako madamot mga sis pero ang gusto ko naman sana i priority ung dapat ipriority. Yes may natabi ako sa sahod nya pambili ng gamit ni baby 1k rin. Pero ang nakakalungkot lang mga mamsh, di man lang nya ako naisipan bigyan ng allowance ko kahit 500 pesos lang. Samantalang ung mama nya binigyan nya ng 500 kasi sbi ng kua nya, ung kapatid nya binigyan nya rin ng allowance na jusko po di na nga nag aaral kung san san pa dinadala ung pera nya to be specific pang cosplay lang nya. Sa sobrang tampo ko mga mamsh, namiss ko na magtrabaho. Ung may pera ako ung hindi ako mamalimos ng pera sa kung kanino. Dati di sa pagmamayabang 3k natitira sa sahod ko at akin lang un nabibili ko ung gusto ko. Ngaun na buntis ako, wala na ako trabaho pakiramdam ko pabigat na ako at walang kwenta. I find myself na may worth nung may trabaho ako. Wala ako sinisisi sa nangyayari sakin pero talagang nakakastress na mga mamsh. Iniiyak ko nlng talaga. No nega comments muna sis parang d ko kaya tumanggap ng nega ngaun gusto ko makatanggap ng magandang advice muna. Saka nyu na ako i bash.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you mommy. Ang hirap gumalaw ng walang pera, you feel worthless. May mga gusto kang bilhin hindi mo mabili kasi wala kang work, wala kang sort of income. Wala kang ibang choice kundi mag antay sa sahod o kung magbibigay ba ng pera partner mo. Magtitiis ka na lang and Minsan maiiyak ka na lang pag maaalala mo life mo before na whatever you want or you like makukuha mo ng di umaasa sa iba. But now you have to be understanding and be more patient and always tell yourself na mababawi mo din yong mga bagay na yon pag labas o palaki ni baby. PS: Better talk to your partner mommy personally about your rants, sabihin mo sakanya lahat and you both have to be open to each other and talk that issues para malinaw. Kahit paulit ulit kailangan mo ipaalala sakaniya yon para di mawala sa isip niya na dapat mas priority na niya kayo kasi di na kayo mag jowa, may pamilya ng binuo yang partner mo. Pamilya na kayo.

Magbasa pa
6y ago

Ayon na nga ang mas maganda sis, better you both open to each other. Problem ng isa, problema nyo na pareho and you both should solve that. Iisa na kayo simula nagkababy kayo. You both need each other shoulders. Hindi naman porket siya ang nagwowork e hindi na kayo dapat open. Sa mga ganyan kailangan nyo ang isat isa. Nahihirapan siya pero nahihirapan ka din. Open mo rants and mga dapat iopen sa kanya para ganun din siya sayo para mas lalo nyong maintindihan ang isat isa and hindi mabigat sa feeling