pa Rant lang po po sa ugali ng nurse sa ospital ng maynila

currently 38 weeks na ko ngayon (Oct 12,2021 via UTZ) sa health center lang po ako nagpapacheck up since yun na pinakamalapit. Last sept 16, 2021 nagclose for the meantime ang center at ang sabi nila mag announce nalang daw sila sa brgy kung kelan sila mag oopen ulit since wala ako trust sa brgy namin kasi ayuda lang ang inaabangan ng brgy namin nag gawa nalang ako ng ibang way para macheck up ako that day may nagturo saakin na para syang center pero more on pagpafamily planning ang offer nila pero meron silang prenatal kaso since that time 34-35weeks na ko di na nila ako inentertain kasi dapat daw kung walang paanakan ang center sa ospital na daw ako dumiretso or dapat may referral na ko sa piling ospital ko kaya after nun umuwi kami at nagtatawag ako sa mga ospital na puro online consult lang for prenatal at nakatawag naman ako sa ospital ng maynila yung nurse na nag entertain sakin sobrang bait nya at inentertain nya talaga ko then sinabihan nya ko na tatawagan nya ko ng Sept 30 for next check up kaso wala ako narecieve na call buti yung cousin ko nagpacheck up pala sya sa center dun ko nalaman na open na ni hindi man lang talaga nag announce yung brgy namin kaya ginawa ko sept 30 pumunta ulit ako center para magpacheck up while waiting sa OSMA na contackin ako inabot na ng maghapon wala ako narecieve na call from OSMA tinry ko din sila tawagan kaso walang sumasagot buti nalang nasa center na ko nanghingi nalang ako ng referral para incase at nagreport sa OSMA with regards to my vitals next na balik ko center is Oct 7 bumalik ako that day kaso wala yung doctor na nagchecheck saakin pero may substitute kaso nagagalit sya since hinunto ko ang pag take ng calcium kasi yun yung sabi ng isang doctor na nagchecheck talaga saakin tapos tinanong nya din ako kung nakipag coordinate na ko sa ospital na napili ko sabi ko oo kaso di ko na sila macontact ulit sabi nya pilitin ko daw contackin and kahit hindi na din daw ako bumalik sa center di nya na din ako sinabihan kung kelan talaga ako babalik kaya kinabukasan pinilit kong contackin ang OSMA kasi di ko pa alam yung mga totally gagawin ko kapag nasa ospital na like yung sa swab kung sakanila ba or pwedeng sa iba ko na itake many times na nagtry macontact sila may sumagot na kaso di yung nurse na nag entertain sakin kasi ibang number din ng teleconsult nila ang nacontact ko napakasungit nya yung simpleng tanong ko. ganito yung convo namin Me: "Good afternoon mag iinquire lang po ako, nakapag call naman na po ako last sept 16" then chineck nya record ko sabi nya meron naman daw ako record ano pa daw need ko sabi ko Me: "mag tatanong lang ako kung ano pa yung mga needed kong gawin bago ako maadmit sa ospital last sept 16 kasi sabi ng nakausap kong nurse is tatawag sya saakin ng Sept 30 kaso wala ako natanggap na call pero ginaw ako is pumunta nalang ako ng center tapos kahapon po pinabalik ako ng center ang sabi ng doctor dun since nakapag pateleconsult naman na ko sa OSMA kahit wag na daw ako bumalik sa center at continue ko nalang yung consultation po sainyo" Nurse: "naka record naman po kayo at mukhang wala naman kayo nararamdaman pa tumawag or dumiretso nalang po kayo ng punta dito kung may maramdaman na kayo kung gusto nyo icontinue ang check up nyo bamalik nalang kayo sa center po" sobrang frustrated ko kasi kabwanan ko na wala pa kong alam sa mga gagawin ko since iba naman ang process ngayon ni hindi pa nga nya alam kung may swab test na ba ako grabe talaga iba iba talaga ugali ng mga nurse no kaya yung ibang nurse nadadamay sakanila oo pagod sila pero sana they try to understand my side first time mom ako naka indicate yun sa record ko and since iba ang process sila lang yung way na masagot yung simpleng tanong ko. ano ba yung sasabihin nila na need ko ng ganito ganyan before ma admit para iwas na din sa rush thing na gagawin. buti nalang talaga may internet search search nalang talaga ako diba 37weeks dapat naka swab na ko tapos 5days validity lang kaya ayun nagpa sched nalang ako ng swab ko siguro 39weeks na ko pag swinab ako tapos until now di ko alam ano iinumin ko bukod sa ferrous with folic at yung multivit para makatulog na maging normal delivery ako at di ma emergency CS kasi till now wala pa ko nararamdaman na sakit or kagit yung mocus wala padin . haysss hirap sa center kasi di na ko makabalik kasi yung notebook information ng prenatal ko eh puno di naman kasi ako pumalya ng check up from the start ee. hirap ngayon pandemic masyadong limit lang pwedeng gawin tapos ang daming bawal #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hi mommy.. Sorry at ganyan naexperience niyo po.. Nurse din po ako mommy and hindi po tama yung sagot po nung nakausap niyo.. Wala namang masama dun sa question niyo po.. Sana sinagot na lang po niya ng maayos.. Iba iba naman talaga mga hospital protocols ng bawat hospital.. May mga hospital po nagrerequire ng swab test then yung iba po health declaration form lang po hinahanap.. Next time na may makausap po kayo.. Kunin niyo po yung name para siya na lang po hahanapin niyo sa susunod na tawag niyo po😊

Magbasa pa