Hindi ata alam ng baby ko na ako ang nanay niya. May magagawa ba ako para mabago yun?

CS and formula-fed yung baby ko. Dahil matagal ako bago nakarecover, madalas yung mama ko ang nag hehele sakanya at nag aalaga. Ngayong 5 months old na siya, mahirap na siya lalo patulugin. Mas hinahanap niya paghele ng mama ko at excited siya pag nakikita niya to. Di ganon reaction niya sakin. Nakakapanghina ng loob dahil ako naman na ang nag aalaga saknya pero hindi ako yung hinahanap. Mas matagal din yung time na magkasama kami sa buong araw.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Parang OFW lang no mamii. totoo mahirap maging magulang minsan sa mga ganyang dahilan. tiyagaan mo lang mamii. lagi mo sya hug ikiss sabihan i love you anak. lambingin mo din tell mo love mo si mama sabay hug mo or kiss mo si mama sabay kiss mo. sanayin mo sya na ganun. working mom ako eh pagdating ko sa bahay lalambingin ko na sya na ganyan para di nya hanapin sa iba or dun sa nagbabantay sakanya pag wala ako. kinakarga ko din sya kahit malaki na sya kahit minsan sinasaway ako nung nagbabantay kay baby na baka sya daw ang mahirapan pero wala akong paki. yun lang moment namin ni baby hehehe ayun everytime na uuwi ako galing work sumasalubong pa si baby sakin. pag nakita na nya ako smile na agad sya.

Magbasa pa

may phase din kami ng lo ko na ganyan, na mas gusto nya sa mama ko. umiiyak nalang ako nun sa partner ko dahil mas gusto nya magpatulog si mama. pero kinarir ko din, di ako nagpatalo. inencourage din ako ni partner. ngayon okay naman na si baby, may time na clingy sa lola nya, sa akin at kay partner.

Magbasa pa