🍻tAppy Father's Day!🍻
⛹️🧑💻👨Hey cool tAp dads!🤵🥷🦸 🦞🍔🌯✨tAppy Father's Day po!✨🥓🥩🍜 🔎 Comment a message for him below👇 and get 250 tAp points 🪙🪙🪙! 📢Note: Only comments made from (June 19 to 20, 2021) will get points.


Happy Father's sa aking asawa na pinaka mamahal ko. Kahit bago pa lang tayo magsisimula ng sariling pamilya natin sana maging matatag tayo sa kabila ng lahat ng problemang pagdadaanan natin. Alam natin na hindi magiging madali ito. Salamat kasi sa lahat ng ginagawa mong pag-aalaga sakin at sa magiging baby natin. Mahal na mahal ka namin ni bibi, alam mo yan. Happy Father's day din sa Papa ko na sobra akong mahal. Kahit na 23 anyos na ako, kung makapag alaga sakin akala mo elementary pa rin ako sa paningin niya. Nagpapasalamat ako kasi ikaw naging papa ko. Di ka nag kulang ng pag mamahal at pag aalaga samin ng kapatid ko bagkos sobra-sobra pa nga ang ibinigay mo samin. Sobrang blessed ako kasi ikaw naging papa ko. Kahit minsan sumasakit yung ulo mo saming magkapatid. Pag may kailangan kami nanjan kayo parati ni mama. Salamat sa lahat ng sakripisyo niyo para lang makapag tapos at makapag aral kami. Lagi kong ipinagdadasal na maging malusog at safe kayo sa araw-araw. Kahit na bumubuo na ako ng sariling pamilya ko, promise ko sa inyo na hindi pa rin ako magkukulang bilang anak niyo. Salamat sa lahat and Happy Father's Day again to the both of you. 🥰😘❤
Magbasa pa