Just Comment Game
🎺Nagbabalik, for a limited time only, ang mini games ni Tito Alex!🎺 Kulang ba ang points mo for the upcoming rewards? Sali ka na sa: Just Comment Game. Just answer the question: What mommy skill do you want to learn? Puwedeng simple answer lang like cooking healthy meals for my family. Or puwede rin essay. Ikaw bahala. The first 500 comments on this post will get 500 points! Note: Kung lalampas tayo sa 500 comments, bibigyan ko pa rin ng consolation points kasi the best kayo!
Kung may gusto akong matutunan yun yung pagiging madiskarteng nanay, dati naman nung buntis pako nagssideline ako ng paglalako ng mga damit na binili ko online kahiy nung bagong panganak palang ako. Pero ngaun na 8months mahigit na anak ko parang natatamad na ako lagi parang wala na akong gana gumalaw gusto ko nlng nakatutok ako sa anak ko pero gusto ko din tulungan asawa ko pero dko magawa kasi parang feeling ko dko na kayang gawin. Kaya sana bumalik yung pagiging madeskarting nanay ko,kasi gusto ko tumulong maghanap buhay sa asawa ko.
Magbasa paGusto kung matutunan pa bilang nanay ay ang maging mas pasensyosa, sobrang hirap para sakin ang magtimpi dahil napakaiksi ng pisi ko. Ayaw ko agad agad na mamalo. Pakiramdam ko sampo na anak ko kahit 1 palang. Araw araw parang hindi napapagod ang bibig ko kakakuda. Hindi ko nga sya pinalo narindi naman sa kakasermon, jusmiyo marimar! Gusto ko maging simple lang yung araw yung sana mapigilan ko sarili ko mainis kahit paminsan minsan lang. 🤣
Magbasa paGusto ko po matutunan kung paano mag multitask ng pag aalaga sa toddler ko at the same time nakakapaghanap ako ng trabaho or nagbubusiness.Kasi nowadays kailangan po talaga nating kumita or magkaroon ng extra income para may pantustos sa ating pangangailangan araw-araw.Ang hirap umasa kay mister kelangan din natin siyang tulongan.Kelangan nating mag-asawa na magwork as a team.A happy mommy and daddy = happy life with Kids.😍🥰
Magbasa paproper time management. ngayon kasi pakiramdam ko kulang na kulang oras ko. maghapon alaga kay baby tapos hugas and sterilize ng bote and pump parts, isinisingit ko na lang once or twice a week ang paglalaba ng damit nya tapos ganun din sa damit ko. minsan parang twice a day na lang ako kumain, di makapag cr or makaligo ng matagal kasi inaalala mo baka umiyak. don't get me wrong, i love being a mom. i just wish i can do more.
Magbasa paPara sakin po, yung pagiging maabilidad. Tulad ng ate ko. Dobrang iniidolo ko sya. Kahit lima na ang mga anak nya, hands-on pa din sya. Napakarami nyang nagagawa sa loob at labas ng bahay. Kahit sa paghawak ng pera magaling din. Malinis sa bahay at nakukuha pa nyang mag kumpuni ng mga gamit na dapat ang gumagawa mga lalaki. Pati nga mga anak nya, nagiging madiskarte din.
Magbasa paI want to be just like most moms nowadays... yun kayang kaya mag multi task bukod sa alaga sa pamilya at gawaing bahay... Nais ko din maging VA o kahit anong online work para kasi sa tingin ko mas madedevelop ang self confidence ko through this kind of work sana mas maimprove ko pa nga ang Communication skills, editing at lahat ng pwede pa matutunan online jobs...
Magbasa paung bagay na gusto ko matutunan ay yung paano maging madiskarte habang nasa bahay at di pa pwede mag work lalo na preggy ako sa 2nd baby ko. na kahit papaano di ako nag aantay sa sahod ng partner ko. na may nakukuha ako na maliit na halaga kahit papaano sa sarili kong bulsa, para di naman isipin ng side na aasa nnman ako sknya na di man lang ako dumiskarte
Magbasa pagusto ko matutunan na mommy skill - mas mahaba pa pong pasensya 😆😆😆 ang hirap po magtimpi sa anak na makulit at si mommy ay sobrang ikli naman ng pasensya 😔 most of the time kase ubos na ko sa pagod sa work, kya pag nasa bahay na gusto ko sana isang sabi lang sunod na agad si junakis. kahit ngayong wfh naman na, maiksi pa rin ang pisi ko..hayy
Magbasa paas a (soon to be) first time mom, gusto ko matuto maging flexible na nanay since ngayon na preggy ako mahilig ako mag buy and sell or magtinda kung anu-ano online, gusto ko sana paglabas ni baby habang inaalagaan ko siya ay nakakapag negosyo pa din ako, i want to be a full-time mom and a working mom, lahat para kay baby girl namin na spoiled 😁😁😊
Magbasa pahalos lahat naman po ng skills alam kuna pero yung skills na gusto ko matutunan yun yung kung paano humawak ng pera kasi everytime na may hawak ako ng pera malaki man o maliit ang bilis bilis maubos at mawala :( yun yung bagay na gustong gusto ko talaga matutunan kasi hanggang ngayon nag aadjust padin ako kung paano sya gawin.
Magbasa pa
mom of 3 ❤