🍻tAppy Father's Day!🍻

β›ΉοΈπŸ§‘β€πŸ’»πŸ‘¨Hey cool tAp dads!🀡πŸ₯·πŸ¦Έ πŸ¦žπŸ”πŸŒ―βœ¨tAppy Father's Day po!✨πŸ₯“πŸ₯©πŸœ πŸ”Ž Comment a message for him belowπŸ‘‡ and get 250 tAp points πŸͺ™πŸͺ™πŸͺ™! πŸ“’Note: Only comments made from (June 19 to 20, 2021) will get points.

🍻tAppy Father's Day!🍻
487 Replies
Magsulat ng reply
Contributor

Hi, Pa! I know all I can do for you tomorrow is to greet you a Happy Father's Day. Coz I can't be sentimental and give you a long message personally. I know you can't read this that's why I am posting this message for you. I can remember how I used to loved you as my father. How I used to tell myself that if ever I have to choose between you and Mama someday, I will choose to go with you. Pero iba pala talaga pag bata ka pa at pag may isip ka na. Nung nagkaisip nako dun ko narealized kung gaano mo nasasaktan si mama emotionally. Kahit akong anak mo ginamit mo pa para mapagtakpan ang pagdadala mo ng babae mo sa bahay habang si mama nasa abroad. Nung nabisto ka na ni mama at nagalit siya sakin dahil pinagtakpan ko siya sayo saka ko pa narealize na mali pala ang nagawa ko. I grew up na nakikita kita kung pano ka nagpakit ng nga babae mo, kung pano ka mas tutok sa mga manok mo kesa asikasuhin kaming magkapatid habang day off mo. Kaya siguro ako lumaking independent πŸ˜‚β€. Tapos nung nag college ako, di ka na sumoporta sakin kasi nga nabuntis ako nung graduating palang ako sa hs. well I understand kasi nadisappoint ka sa maganda at matalino mong anak. I remember pa rin ang unang beses kitang narinig na umiyak dahil sa nanguari sa akin. at sobrang sakit nun para sakin. pero bakit kahit nung grumaduate ako nung college at napabilib naman kita dahil nakaakyat ka nnaman ng stage dahil sa medal akong nakuha, eh di mo pa rin makalimutan ang kasalanan ko? akala ko ba ok ka na kung makagraduate lang ako para di ka na mag alala sa future ko? lagi mo akong iniinsulto gamit ang kalandian ko at katangahan ko nung hs kahit more than 5 years na nangyari yun. At least ako nagsisi na at nagbago at tinama ko ang mali ko db? bumawi naman ako db? Ikaw nga kahit di ka na naging ama samin, di ka na naging mabuting asawa kay mama, dinadala mo pa anak mo sa sa labas sa bahay natin, at ni piso wala ka nang naiaambag sa bahay natin kahit dun ka naman nakatira eh wala kang narinig ni katiting mula sakin. Kasi kahit gano kalaki ang kasalanan mo din samin, ama ka pa rin namin. Ama pa rin kita. Kahit ang dami dami mo nang nagawa na ikinakasama ng loob namin ni mama pinapatawad ka pa rin namin kasi asawa ka ni mama, anak mo ko. Sariling dugo't laman mo ako kaya no choice πŸ˜‚. Napapatawad pa rin kita despite of everything. Kaya kahit ano pa man ang nagawa mo at di mo nagawa para sa pamilya natin, binabati pa rin kita ng Happy Father's Day at mahal na mahal po kita Papa. Itigil mo na sana ang paninigarilyo at inom mo kahit di na ang pambababae mo kasi alam kong imposible na yun dahil may mga bunga na. Para man lang humaba-haba pa buhay mo. Kahit papano gusto kong maging mabuting ama ka sa mga anak mo sa labas dahil matanda na kmi ng kapatid ko para alagaan mo pa 😁. Responsible ka namang ama samin nung bata pa kami pero ngayon alam ko naman na sa ibang anak mo na ikaw responsable pero ok lang yun. Kasi mahal na mahal ka pa rin namin. --------- P.S. I hope this message is acceptable kasi dito ko lang naman to masasabi sa kanya. sa personal baka nasampal niya nako πŸ˜‚

Magbasa pa
Contributor

Dear Daddi, Sabi nga First is hard. First is challenging but first is necessary. I've seen you how you take care of our LO. I deeply appreciate your super effort on taking care of me during my recovery. Sa pagluto ng kelangan kung kainin for both BM and recovery. Sa pagsilbi sa madaling araw habang nag bBF. Sa pagsalo magpakarga kay baby dahil di ko pa kaya sa matagalang pagbuhat. Sa pag gising kahit antok na antok na para lang mapatahan o mapaburp si Matt. Mapasayaw ng matitinding moves.. At ang ultimatum mo n pinagbabawal na moves πŸ˜‚ kanta ng lullabies na revised ang lyrics πŸ˜‚ Sabi nila babae daw ang multitasking.. Totoo naman un.. pero first 3 weeks after birth ko, Pati ikaw nagmumultitask na rin. Hahaha! Sa Pagaalaga sa akin, pagaalaga kay Matt, paaasikaso sa negosyo.. Kahit pagsuot ng tshirt minsan baligtad na.. Ang kapeng tinimpla naiinom na ng malamig.. Napapalaba pa ng damit na maliliit. Sabi sabayan daw matulog pag tulog si baby.. Sabay na sabay nga kayo. Minsan pareho pa posisyon. Kaya di malabo copy cat mo nga Sya. Hingi na lang ako kahit 2% sa hitsura nya ha πŸ˜‚ So proud of you! Becoming parents together changed the way i see you. Pogi ka pa naman. Love na love pa rin kita. And thats always. Iba lang kasi, now we are calling you Daddi- its just something different.. Good different.. to my heart. Kahit it has been a month and 8days.. Dami naΒ  natin tawa, worry, lito, curiousity, learnings, ako lang dami iyak.. So proud of what we are building together as parents. PS: amazing talaga ang story mo about Gong Pagong at Monkey. Hanggang ngaun di pa natatapos. Kasi jan lang nakikinig si Matt. Ayaw nya ng ibang stories ko 🀣 pero jan din sya nakkatulog kaya di matapos tapos ang story lampas na isang buwanπŸ€£πŸ˜‚ Happy Father's day! 😘

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Happy Fathers Day to all fathers out there, especially sa Papa ko. I know life has been hard lately. I'm sorry kung na fail kita sa mga plans natin. We have lots of plans until EJ came. But I know, na happy ka with EJ, at na bigyan kita ng Apo 😁. I would like to say thank you so much for every sacrifices you made para sa family natin. I'm so thankful to have a father like you. Since the day namatay is Mama, you never fail your duty as a father and also to act as a mother. Until now na may anak na ako, you still doing your duty. Thank you for keeping EJ safe and being around with EJ every time na may ginawa ako. Pa, thank you sa my learnings na binabahagi mo to us. Thank you for keeping strong kahit alam ko pagod kana. Dako nga pasalamat ko kay God nga ikaw ang naging Tatay ko, I can't compare you to any father out there. You are best of the best. Hindi na ako maghahanap ng iba, and that's the reason why, it's hard to find a man like you. Pa, sorry kung sometimes i nag at you, its just because stress din ako minsan, and im feed up with the problems we had lately. But i know we can surpass all this. little by little we settle everything and we can go back to normal again. Pa,salamat gid sa tanan tanan. i have lots of words in my mind right now, i have lots of words to say to you, but all i can do is to cry. Happy Fathers day to First man in my life. The man who watches me grow, the man who teaches me to walk, the man who helped me stand every time I fall. The reason why i still keep pushing to climb on top in order to reach our goal. I love you so Much Papa. thank you So much for everything ❀️❀️❀️😘

Magbasa pa
Contributor

happy fathers day po una sa lahat sa papa ko na walang sawang sumusuporta sa pamilya namin, sa papa kung hindi alam ang salitang "PAGOD" basta kumita lang sya ng pera para samin... pa! alam kupo na subrang nahihirapan kana po tumatanda kana po pero until now nagsasaka kapa rin po para lang buhayin po tong pamilya natin... pa! im sorry na hanggang dito lang po yung naitutulong ko sa inyo... alam kopo na alam nyo kung gaanu ako nagsikap para matulungan po kayo sa pagtaguyod ng pamilya natin pero hindi po sapat pa... lalo napo nung nag asawa napo ako alam ko na napilayan po kayo ulit kasi yung kaisa isang anak na tumutulong sa inyo sa pagtatrabaho eh nag asawa na... sorry pa... sorry...alam kopo na makakayanan din po natin to pa... malalampasan din po natin lahat ng pagsubok na dumarating kapit lang po "god will provide" at kapag dumating napo yung panahon na naka ahon yung pamilya natin papa makakatigil kana rin po sa pagsasaka papa... i love u papa... i am so much proud na ikaw po yung ibinigay na papa saaming magkakapatid at lolo ng mga apo mu pa... always take care papa... for my husband salamat,salamat po sa walang sawang pagmamahal alam ko na madalas hindi po tayo magkasundo pero stil solid parin po tayo... salamat po sa pag aalaga sa baby natin... alam ko kung gaanu mupo kamahal si eren... salamat boss ko... sna wag kang magsasawang intindihin ako... i love u boss... mula noon hanggang ngayon same feeling... im always inlove to the man whom i marry and father of my child...i am so blessed to be your wife... happy fathers day again...❀️❀️❀️

Magbasa pa
Contributor

Hi, Hon! Happy First Father's Day! 😊 Nasa #ThanksDad na halos lahat ng mga pinagpapasalamat ko sayo but it was unending thanks in reality. I just can't mention everything that you've done to us coz everyday, you do something old and new that I have to be thank for. All I can say and wish for you here is that stay healthy coz I don't want you to get hurt and just want you to be happy everyday. I want you to be healthy so we can guarantee that one of us can at least manage to see our children and future children have their own family. I will do my best to be healthy also so if we're both lucky enough and blessed enough to have a long life, I can stay with you and see you as long as I can. May our plan in our future be blessed and will successfully reached it. Wala naman na akong ibang mahihiling pa kundi ang maging healthy ka lang 😊. Coz I know in the future, you will still be the man that I loved yesterday, the man that I am loving today, and will always love tomorrow. Happy Father's Day and "I love you" from us(baby, kitz and I), who's your own family now. πŸ˜‡πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’• #HappyFather'sDay!

Magbasa pa
Contributor

Happy Father's sa aking asawa na pinaka mamahal ko. Kahit bago pa lang tayo magsisimula ng sariling pamilya natin sana maging matatag tayo sa kabila ng lahat ng problemang pagdadaanan natin. Alam natin na hindi magiging madali ito. Salamat kasi sa lahat ng ginagawa mong pag-aalaga sakin at sa magiging baby natin. Mahal na mahal ka namin ni bibi, alam mo yan. Happy Father's day din sa Papa ko na sobra akong mahal. Kahit na 23 anyos na ako, kung makapag alaga sakin akala mo elementary pa rin ako sa paningin niya. Nagpapasalamat ako kasi ikaw naging papa ko. Di ka nag kulang ng pag mamahal at pag aalaga samin ng kapatid ko bagkos sobra-sobra pa nga ang ibinigay mo samin. Sobrang blessed ako kasi ikaw naging papa ko. Kahit minsan sumasakit yung ulo mo saming magkapatid. Pag may kailangan kami nanjan kayo parati ni mama. Salamat sa lahat ng sakripisyo niyo para lang makapag tapos at makapag aral kami. Lagi kong ipinagdadasal na maging malusog at safe kayo sa araw-araw. Kahit na bumubuo na ako ng sariling pamilya ko, promise ko sa inyo na hindi pa rin ako magkukulang bilang anak niyo. Salamat sa lahat and Happy Father's Day again to the both of you. πŸ₯°πŸ˜˜β€

Magbasa pa
VIP Member

Happy fathers day tatay ❀ madalang ka man magsalita...alam ko nag oobserve ka lang... Thank you sa paglalaba...pagluluto... Pagiging all around sa bahay...yung pag gising namen handa na ang lahat :) hirap man tayo sa buhay pero lahat kami ginawa mong prinsesa sa bahay...Sobrang swerte namin kasi ikaw ang tatay namen :) :) mamaya mag facial..at manicure pedicure na tayo ❀ papagwapuhin kitang lalo... Madalas man high blood ka sakin at hindi tau magkaintindihan pero kahit minsan hindi mo kami pinagbuhatan ng kamay... πŸ˜„ kahit ano man yung sabhin ng iba sakin...mas nanaig pa din pagtitiwala nyo sakin... Kahit minsan umaga na ko umuuwi...di nyo ko pinapagalitan...kc may tiwala kayo sakin at hinding hindi ko sasayangin yon... Lam nyo namang bc lang ako masyado sa mga raket ko buhay... Lahat gagawen ko para sa inyo :) iloveyou... No matter how many times we argue... How many times we don't understand each other coz of our generation... How many times I'm scolded by you... I always think that your the best tatay in the whole wide world ❀ From your stubborn child ...

Magbasa pa
2mo ago

Happy Father’s Day sa lakay ko.. mahal na mahal ka namin ni lei at magiging anak mong pangalawa.. salamat sa lahat ng hard worked mo para sa amin. God bless you more😘

VIP Member

To my dearest best-friend, my husband, the father of my love, Asher, happy father’s day! 😘 Thank you for being a loving, caring, and most importantly, an understanding husband and a super tatay to Asher. We admire and cherish you tatay and we appreciate all the things that you are doing for our family. In this world of chaos, thank you for being a light that guides me every time I stumble in my faith and for the gentle rebuke whenever I’m out of my mind. Thank you for always spending time for Asher, for preparing our food, for changing her diaper, and for taking good care of her whenever I am not fit to do it. You are an amazing person and I admire you in so many ways especially the way you show your love and care for our baby Asher. You are a good example and a perfect father for our baby! I thank God for your life and I am forever grateful that He blessed me with a partner like you. I am very happy that Asher will grow having you as her father. Asher and I love you very much! 😘 Happy father’s day! Shalom.

Magbasa pa
Post reply image
Contributor

Happy Father's Day Pa! Miss na miss na po kita. Hindi ako makauwi ng Manila eh wala rin naman akong pera o kita man lang. Isa lang pong simpleng maybahay ang anak mo ngayon. Pasensya na kung naging pasaway man ako sa inyo ni Mama. Mahal ko kayo yun ang totoo hindi ko man maipakita o masabi pero yun ang totoo. Mahal, uy Tatay ka na pala. Happy (not) Father's Day! Sabi mo di ba hindi ka magce-celebrate ng Father's Day kasi nga gusto mo ng exemption sa trabaho ( gawaing bahay + bantay bata ) nakipag away ka pa sa'kin nun eh nuh tapos ending kasi kasalanan ko. Anyway... alam ko naman malaki rin ang nai-sakripisyo mo. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa amin ng langga natin. Thank you is not enough pero sana makabawi ako. We love you always mahal naming Dada! 😍😘 Happy Father's Day sa lahat ng Papa, Tatay, Dada, Daddy, Dadi, Lolo, Tito na tumatayong ama, Ninong, at sa mga Nanay na tumatayong Tatay! Sending my virtual hug to everyone. πŸ€—

Magbasa pa
VIP Member

Ikaw ang unang lalaking minahal ko simula nang magkamulat ako. Isa kang huwarang ama na dapat ipakilala sa mundo sapagkat ginagawa mo ang lahat para lang sa amin na mga anak mo. Naghahanap ka ng paraan para lang may maihanda at maipakain sa pamilya mo. Lahat ng hirap dinanas mo kaagapay mo si mama. Pinakita mo talaga sa amin kung paano mo kami minahal at inaalagaan. No'ng ako ay nabuntis, biglang gumuho yong mundo mo kasi nabuntis ako na walang maipakilalang ama sa pagbubuntis ko. Kinamuhian mo ako nun, pero kalaunay pinatawad mo rin nang iniluwal ko ang aking anak na lalaki. Ikaw ang tunayong ama sa aking anak, papa. Alam kong mahal mo ang apo mo. Salamat sa lahat na binigay mong pagmamahal mo sa amin na pamilya mo. Sana bigyan k pa ng marming blessings ng Panginoon. Ang bait mo kasi. Pasensya kana kung minsan pasaway ako, pero laging mong tatandaan mahal na mahal ka namin. . Happy Father's Day Papa Mario😘❀

Magbasa pa
Post reply image