Mommy, nakaka-relate ako sa baby mo, lumaki ako sa environment na puro naninigarilyo ang nasa paligid kaya mahina ang baga ko kahit ngayon sa usok at amoy ng mga chemicals. Lumaki ako na nakakalanghap ng second-hand smoke. Nagkaroon ako ng primary complex nuong bata pa ko dahil dun. Tanda ko pa mga 5 years old ako nun. Gumaling ako totally nung 7 years old ako. Namatay kasi lolo ko nun, tapos yung mga tito ko na naninigarilyo, tumigil na nung nagkaasawa. Tinutukan talaga ako nila mommy sa gamutan. Super daming gamot!
Ngayon, hindi na ako inuubo ng matindi, pero humina ang baga ko. Everytime na ma-expose ako sa usok at amoy ng pintura, inaasthma ako.
Ang mabisang solusyon talaga dyan mommy is, wag mo syang ilalapit sa mga naninigarilyo, kahit nga minsan, malayo na yung naninigarilyo, amoy padin eh. Matindi talaga effect nun sa bata. Need mo talaga dumistansya mommy. Or pakiusapan mo sila na huwag manigarilyo malapit kay baby at wag mong palapitin sa may TB.
Magbasa pa