Delivery
Comment your experience with your baby's birth mommies, cs or normal. Gusto ko lang malaman para maready ko sarili ko hahaha

Cs here.Friday ng madaling araw nilabasan ako ng mucus plug, si mr. tumawag agad sa secretary ng ob. dirtso agad kami ha hospital, yun dugo ang sumunod. di na ako pinauwi dahil sunod sunod na ang hilab based dun sa machine nila. 2 days ako naglabor. yun ata ang pinakamasakit lalo na bawal ang mr. sa labor suite..ako lang magisa dun na naka dextrose nakaoxygen pero sa 2 days na yun hanggang, 4cm lang. pinush padin ni ob na manormal .pinaputok na ang panubigan ko pero di pa rin nababa si baby. ang sakit grabe. ang sakit ung hubby ko naiyak na sa labas nakatingin lang since bawal sa loob. nagrequest na ako ng epidural. pero di natalab amg epidural sabi ko kay doc. doc di ko na keri doc.. hanggang humina na prehas ang aming hearbeat ni baby. at nagising nalang ako nasa operation room na ako. tinurukan ako sa spinal ng anesthesia tas nakatulog ulit ako tas gising ko sunod ngpray an mga doc tas biglang nag sigawan ng praise the lord. our easter baby is here weighing 3.5kg and 54cm..
Magbasa pa