Delivery
Comment your experience with your baby's birth mommies, cs or normal. Gusto ko lang malaman para maready ko sarili ko hahaha
Normal delivery here. Tubig unang lumabas sakin non Ng madaling araw around 1am. Inantay lng nmn kunti kung marami pdn lalabas na water. At Yun tuloy tuloy padin Ang agos Kya pumunta na kmi Ng ospital. Doon inadmit agad aq. After IE close pa daw cervix ko pero andami Ng tubig na lumalabas sakn as in tuloy tuloy at basang basa na dn aq. Kya na dextrose aq na may injection ng pampahilab. Umaga na pero wla padin aqng maramdamang sakit. Yung water lng na tuloy tuloy ang daloy Kya super worried n kmi kc bka maubusan Ng tubig Ang bby ko sa loob pero Sabi Ng medwife normal lng daw. Mga 6am nakakaramdam na aq Ng sakit pero tolerable pa nmn. Pero nong mag 8am na masakit na tlga yung paninigas nya sabay sumasakit Ang likod mo at buong tyan. Hanggang sa sobrang sakit na at nanginginig na aq sa sakit at Kung saan saan na aq kumakapit pra maibsan Yung sakit nya tas nakakatulong Ng kaunti Yung paghaplos haplos Ng nanay ko sa likod ko. Dumating na sa punto na nagmakaawa na aq da doctor na ics nlng aq. Kasu ayaw nya Sabi nya Kya ko daw inormal masakit tlga pero tiisin lng. Ilang beses na aq na ie pero ndi tumataas ang cm Lalo lng aq nahihirapan kc ansakit ma ie. Hanggang sa mag 5pm na Yung sakit nya tuloy tuloy na kya pumunta n aq ng labor room at sa wakas 8cm na. Doon pinaire aq Ng pinaire and thanks to God lumabas na dn sya ng ligtas. Worth it ang hirap at sakit na naranasan ko.
Magbasa paCs here.Friday ng madaling araw nilabasan ako ng mucus plug, si mr. tumawag agad sa secretary ng ob. dirtso agad kami ha hospital, yun dugo ang sumunod. di na ako pinauwi dahil sunod sunod na ang hilab based dun sa machine nila. 2 days ako naglabor. yun ata ang pinakamasakit lalo na bawal ang mr. sa labor suite..ako lang magisa dun na naka dextrose nakaoxygen pero sa 2 days na yun hanggang, 4cm lang. pinush padin ni ob na manormal .pinaputok na ang panubigan ko pero di pa rin nababa si baby. ang sakit grabe. ang sakit ung hubby ko naiyak na sa labas nakatingin lang since bawal sa loob. nagrequest na ako ng epidural. pero di natalab amg epidural sabi ko kay doc. doc di ko na keri doc.. hanggang humina na prehas ang aming hearbeat ni baby. at nagising nalang ako nasa operation room na ako. tinurukan ako sa spinal ng anesthesia tas nakatulog ulit ako tas gising ko sunod ngpray an mga doc tas biglang nag sigawan ng praise the lord. our easter baby is here weighing 3.5kg and 54cm..
Magbasa paHala ang hirap pala mommy noh kamusta naman recovery stage mo? Masakit yung tahi?
Twice cs. Sa first namin, di ako kinakabahan kasi di ko pa naman alam mangyayari. Hinihilaban ako and due date ko na pero di bumubuka sipit sipitan ko. We waited for a few hours then my OB told me na need na ko iCS kasi baka mapoo2 pa si baby sa loob. Naiyak ako pero aun nga better to be safe. Masakit ung epidural pero mas masakit ung skin test haha. Ginaw na ginaw din ako after and sobrang kati ng muka ko. 2nd birth aun nga CS pa din. Mas kinakabahan ako kasi alam ko na mga pagdadaanan ko. Sisiw lang ung epidural pero putek ibig kong magmura sa skin test. Naiyak na nga ako kasi paulit ulit and sobrang painful. Nung nagwwear off na ung anaesthesia init na init naman ako. Nakatodo ac sa room pero pakiramdam ko eh fan lang un. Ung husband ko saka inlaws ginaw na ginaw na ako init na init pa hahaha
Magbasa paSkin test eh procedure para malaman kung allergic ka sa certain na gamot. Super sakit sa balat. Parang kinurot tapos mahapding mahapdi. Dun naman sa procedure ng cs, i know ano nangyayari kasi for some reason di ako nakatulog pero di mo naman ramdam un kasi half of your body eh may anaesthesia. Mararamdaman mo lang ung pain from hiwa pag nagwwear off na ung pampamanhid
nsd sis.I gave birth ng ako lang kasi yung ob ko sabi 1am pa raw ako manganganak kasi di ko na talaga kaya sobrang ihinh ihi na yung pakiramdam ko tas nailabas ko na si baby as in nagswim si baby palapas nasa diaper ko na siya sa bed lang ako nanganak nasa hospital na ako nun yung mga nurse na lang nagcut ng umbilical cord ng anak ko.dumating ung ob ko nagtahi na lang siya.sa awa ng Diyos naging safe si baby ko.I really thank God
Magbasa paNdi nmn gaano sis sakto lng..
Goodluck sayo mamsh..
Thank you momsh! Sobrang kabado ko talaga first baby kasi
Jheyan's momma♥️♥️