Delivery

Comment your experience with your baby's birth mommies, cs or normal. Gusto ko lang malaman para maready ko sarili ko hahaha

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Twice cs. Sa first namin, di ako kinakabahan kasi di ko pa naman alam mangyayari. Hinihilaban ako and due date ko na pero di bumubuka sipit sipitan ko. We waited for a few hours then my OB told me na need na ko iCS kasi baka mapoo2 pa si baby sa loob. Naiyak ako pero aun nga better to be safe. Masakit ung epidural pero mas masakit ung skin test haha. Ginaw na ginaw din ako after and sobrang kati ng muka ko. 2nd birth aun nga CS pa din. Mas kinakabahan ako kasi alam ko na mga pagdadaanan ko. Sisiw lang ung epidural pero putek ibig kong magmura sa skin test. Naiyak na nga ako kasi paulit ulit and sobrang painful. Nung nagwwear off na ung anaesthesia init na init naman ako. Nakatodo ac sa room pero pakiramdam ko eh fan lang un. Ung husband ko saka inlaws ginaw na ginaw na ako init na init pa hahaha

Magbasa pa
6y ago

Skin test eh procedure para malaman kung allergic ka sa certain na gamot. Super sakit sa balat. Parang kinurot tapos mahapding mahapdi. Dun naman sa procedure ng cs, i know ano nangyayari kasi for some reason di ako nakatulog pero di mo naman ramdam un kasi half of your body eh may anaesthesia. Mararamdaman mo lang ung pain from hiwa pag nagwwear off na ung pampamanhid