My birthing story ๐Ÿ’–

For this child, I have prayed. ๐Ÿ’– Dob: Sep 16 Edd: Sep 18 My baby is 3 kilos / vaginal birth / induced labor Sep 15, 9:00 start na pumutok panubigan ko, immediately as advised ni ob admit na. Then punta nako with my ob's admission slip kasi sa public hospital ko gusto manganak para ma-normal ko si baby. Pagdating dun 2cm pa pag ie. Until 5 pm na nung napasok nako sa labor room dun na nagstart ang sakit dahil ininduce ako. Mabuti na lang 3-4 minutes nakakapahinga pa ako at balik ulit ang sakit. Kahit ano talaga preparation ko noon pa exercise, food, eveprim and long walk,, wala pa rin effects sa akin. Sep 15, from 6pm to 11:00 am ng sep 16. Tiniis ko talaga ang sakit, iba sa public hospital kasi dapat 9-10 cm ka bago makapunta sa delivery room. Talagang patapangan. Hehe. Nagalit pa ang robing ob sa labor room kasi sa delivery room na midwife ayaw pa tumaggap kahit 9 cm na. Nung pag ie ni doc, sabi ko di ko na kaya, lalabas na po siya. Ang sarap na umire. Kaya yun diretso sa delivery room. Pero pagdating dun wala pa ang ob, kayat pinahiga ako sa left ni midwife at ire lang daw para lumabas si baby paunti. Haha interview portion pa dun. Mga 20 minutes din ako naghintay at ire. Sep 16, 1:00 pm dumating na si ob. Diretso sabi niya malapit nato. Kaya yun fundal push ginawa niya, si midwife nasa harapan ko. Umire ako na hindi maingay, hawak ang legs at aahon tuwing iire daw. Mga 25 minutes lang nailabas ko si baby. Na feel ko nung hiniwa na ni midwife at push lang si dok kaya yun di na ako huminto ng ire. Worth it. Sabi ko sarili ko, salamat LORD. ๐Ÿ’– Talagang natutunan ko na pag hilab wag sabayan ng iyak o ingay, breathing technique ginawa ko, inhale and exhale. Kahit nandun si partner, sarili sikap talaga. Thank God din kasi wala excess sa hospital. Napakabuti ni Lord. ๐Ÿ’– Salamat dito sa app nato kasi marami akong natutunan. Kaya't tibay at tapang sa mga mommies na malapit na manganak ๐Ÿ˜Š๐Ÿ’– Kaya po ninyo yan.

My birthing story ๐Ÿ’–
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ka birthday sila ng baby ko momsh๐Ÿ˜Š kapapanganak ko lang din,16 ng gabi 11pm lumabas si baby.

VIP Member

Congrats mommy sa gwapo nyong baby โฃ๏ธ Anyways, saang public hospital po kayo nanganak?

thanks God for the safe delivery! ang pogi naman ng baby mo mamsh! ๐Ÿ˜€โค

ang gwapo nman.. congrats..mami tanung ko lng anu po ba ang ini induce?

5y ago

tuturukan ka po ng pampahilab. kasi yung ako walang progress opening ng cervix ko.. ๐Ÿ˜Š

Sarap titigan ni baby ang cute๐Ÿ˜congrats momshโ˜บ๏ธ

VIP Member

Ang cute naman ni baby๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Congrats mommy๐Ÿงก๐Ÿงก

congrats mommy, ang gwapo ni abby ๐Ÿ™‚

Super Mum

Congratulations mommy Apple! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

VIP Member

Congrats po! ๐Ÿ˜Š tangos ng ilong ni baby ๐Ÿ˜

VIP Member

Congratulations mommy. โ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธ