Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
God is with us, baby boy!
Puti na bilog at medyo matigas
Ano po to? 2 months pa po si baby ngayon ko lang po napansin na meron siya nito. Medyo matogas po siya. Ftm po please pa help.
Similac tummy care hw
Pa advice naman po. Si lo ko gamit niya dati enfamil, 1 month na siya running 2 months this nov 16, pinalitan ko similac tummycare hw dahil my allergy siya advised ni pedia. Pero tuwing magtatae siya ay umiiyak siya 😭 awang awa ako sa lo ko. Ano po pwede gawin? Di pa kasi makabalik sa pedia niya ngayon. Actually, nan hw at s26 hw one of the choices na pwede ipalit sa kanya, similac tummycare pinili ko muna po. Alin kaya ang maganda?
Pula-pula sa face
Hi po, ftm, 17 days na ang lo ko, worried lang ako sa pula-pula sa face niya, meron din sa ulo pero konti lang. Gamit ko po sabon cethapil yung hair and body, ginamitan ko din siya before ng cethapil gentle cleanser sa face pero nag stop ako. Ngayon gamit ko paligo mineral water na, may nagsabi di lang daw sabunan face niya. Wala naman say yung pedia niya sa face nung check up namin. Ano po ba maganda gawin?
Flexing my 10 days old son Alil.
Ask lang po when po ba pwede na magpa check up sa pedia? At may nakapagsabi din sa akin pwede na daw mag tiki-tiki si baby pero in doubt ako unless prescribed ni pedia.. Mahirap din kasi lumabas ngayon.
My birthing story 💖
For this child, I have prayed. 💖 Dob: Sep 16 Edd: Sep 18 My baby is 3 kilos / vaginal birth / induced labor Sep 15, 9:00 start na pumutok panubigan ko, immediately as advised ni ob admit na. Then punta nako with my ob's admission slip kasi sa public hospital ko gusto manganak para ma-normal ko si baby. Pagdating dun 2cm pa pag ie. Until 5 pm na nung napasok nako sa labor room dun na nagstart ang sakit dahil ininduce ako. Mabuti na lang 3-4 minutes nakakapahinga pa ako at balik ulit ang sakit. Kahit ano talaga preparation ko noon pa exercise, food, eveprim and long walk,, wala pa rin effects sa akin. Sep 15, from 6pm to 11:00 am ng sep 16. Tiniis ko talaga ang sakit, iba sa public hospital kasi dapat 9-10 cm ka bago makapunta sa delivery room. Talagang patapangan. Hehe. Nagalit pa ang robing ob sa labor room kasi sa delivery room na midwife ayaw pa tumaggap kahit 9 cm na. Nung pag ie ni doc, sabi ko di ko na kaya, lalabas na po siya. Ang sarap na umire. Kaya yun diretso sa delivery room. Pero pagdating dun wala pa ang ob, kayat pinahiga ako sa left ni midwife at ire lang daw para lumabas si baby paunti. Haha interview portion pa dun. Mga 20 minutes din ako naghintay at ire. Sep 16, 1:00 pm dumating na si ob. Diretso sabi niya malapit nato. Kaya yun fundal push ginawa niya, si midwife nasa harapan ko. Umire ako na hindi maingay, hawak ang legs at aahon tuwing iire daw. Mga 25 minutes lang nailabas ko si baby. Na feel ko nung hiniwa na ni midwife at push lang si dok kaya yun di na ako huminto ng ire. Worth it. Sabi ko sarili ko, salamat LORD. 💖 Talagang natutunan ko na pag hilab wag sabayan ng iyak o ingay, breathing technique ginawa ko, inhale and exhale. Kahit nandun si partner, sarili sikap talaga. Thank God din kasi wala excess sa hospital. Napakabuti ni Lord. 💖 Salamat dito sa app nato kasi marami akong natutunan. Kaya't tibay at tapang sa mga mommies na malapit na manganak 😊💖 Kaya po ninyo yan.
2 cm open cervix
39 weeks na ako ngayon, nag ie si OB, 2 cm na after nun may dugo epekto sa ie. Pangalawang subok ko na ngayon mag pasok pag gabi ng 6 eveprim, after breakfast and lunch 4 din. Ginawa ko na hiking at exercise.. Naisipan ko na lang mag inom ng eveprim or buscopan pero sabi ni Ob mas mabisa ipasok. Any suggestions po para mag open ng mabilis ang cervix? 😭
Baby
Yung sinabi ni doc na triangular shape ang ilong ni baby, matangos daw.. Di ko naman kita sa ultrasound, siya lang.. Maari ba na tama si doc.. Yung una napansin niya talaga.. Baby boy here. ☺
Need advise
Hi mommies, ask lang ako ng advise, this past few days and now morning, nakaranas na naman ako na masakit o hapdi yung ibabaw ng tiyan.. Hindi naman ako gutom at yung gusto mo mag poop. At uutot na lang ako minsan dig ab. Minsan nawawala ang sakit minsan bumabalik parang halpi. Ano po kaya to?
SSS MATNOTIF
Sino po dito di pa naka maternity notification kasi down for members ang system or ang employer hindi pa makaprocess sa mat notif. May 30 po hanggang contract ko sa isang private school kasi partime teacher ako. So sa june self-employed na until july siguro. Not sure to get a contract by august. Nag inquire ko sa employer ko di pa sila naka notify so kinuha ko nalang papers ko para ako na lang mag notify. Bat now down pa ang system. September edd here. ?? Any advise po?
Infection
Ng take nako ng antibiotic recommended by my OB at 2 months pregnant. Nag repeat urine test ako, tas same result.. May OB advised me to undergo urine culture and sensitvity report. Sino po dito may history ng same case sa akin. I'm so worried. 2months pa ako pregnant and I'm not happy with th result after taking anti biotic, may possibility mag take na naman ulit whatever the result may be. ?