Cervical polyp at 16 weeks

May cervical polyp po ako. Nov. po due date ko. Any advice po yung mga bawal kong gawin kase working po ako. Hindi ako pwede mag resign pa or mag leave. Please respect.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pinag bedrest lang ako 2weeks tas bawal magbuhat ng mabibigat bawal mapwersa. meron ako nyan nung 1st tri, workingmom din ako super selan ko non kase panay ung bleeding ko mula 9weeks to 12weeks hanggang sa lumakas na napupuno talaga ung pads tas my malaking blood cloth na lumabas sakin. nagpunta ako agad sa ob ko inalis nya yon kaagad though my naiwan pang ugat and sabi nya expect daw na tutubo ulit sabi ni ob maaalis naman daw un pagka panganak ko kase kusa daw yun mapupunit. kala ko non mawawala baby ko pero sa awa ng diyos malayu sa kanya and nung naalis ni dra yon hindi nako nagbibleed ok na ok na kami ni baby ngayun 20weeks na kami. nakabalik nadin ako sa work.

Magbasa pa
6d ago

opo talagang doble ingat, kung hindi lang ako dinudugo dahil sa polyps sabi ni dra isasabay na sya sa panganganak ko para maalis sya hanggang sa pinaka ugat nya kaso mag sneeze lang ako ng konti tas magbyahe grabe na ung pagdudugo to the point na halos sampong gamot iniinom ko sa isang araw, halos balik2 ako ng ER kahit nag total bedrest ako wala padin. kaya nung nagworst na ung bleeding talagang sinilip na ni ob kase ung tvs ko wala akong SH walang bleeding mula kay baby. on the spot inalis nya thankful ako sa ob ko kase magaling at maalaga talaga.

same here, i have bleeding sa 1st trimester bcoz of polyp nag leave ako sa work for 2 months, nag te take ng progesterone, then pagpasok nga 2nd trimester mag stop na din bleeding ko, back to work na, I'm 22 weeks preggy na, ndi tinggal ni OB ung polyp coz malapit masyado kay baby

6d ago

20 weeks preggy po.. Yung akin po is hindi napuno panty liner ko noon. Hindi kase nakita ni OB ko kung anong dahilan noon May 25 (unang bleeding ko). Tapos noon bumalik ako ng June 15, ayun nakita na yung polyp ko. Ano po kulay discharge niyo po ngayon? Akin po kase is medyo light brown siya.