Cervical polyp at 16 weeks
May cervical polyp po ako. Nov. po due date ko. Any advice po yung mga bawal kong gawin kase working po ako. Hindi ako pwede mag resign pa or mag leave. Please respect.

pinag bedrest lang ako 2weeks tas bawal magbuhat ng mabibigat bawal mapwersa. meron ako nyan nung 1st tri, workingmom din ako super selan ko non kase panay ung bleeding ko mula 9weeks to 12weeks hanggang sa lumakas na napupuno talaga ung pads tas my malaking blood cloth na lumabas sakin. nagpunta ako agad sa ob ko inalis nya yon kaagad though my naiwan pang ugat and sabi nya expect daw na tutubo ulit sabi ni ob maaalis naman daw un pagka panganak ko kase kusa daw yun mapupunit. kala ko non mawawala baby ko pero sa awa ng diyos malayu sa kanya and nung naalis ni dra yon hindi nako nagbibleed ok na ok na kami ni baby ngayun 20weeks na kami. nakabalik nadin ako sa work.
Magbasa pa
Team November