Nakakahiya bang manghingi ng cash gift sa binyag or birthday?
Nakakahiya bang manghingi ng cash gift sa binyag or birthday?
Voice your Opinion
HINDI naman, praktikal lang
OO, may mga bagay na dapat kusa
DEPENDE sa guests

7563 responses

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas maganda yung sila yung may kusa sa mga bibigay nila. May iba kasi toka-toka na. Tipong si ninong #1 sa diaper, ninong #2 gatas and so on. Minsan pa nga handa e. Pano if nasaktuhan wala ring pera yung tao diba? Dagdag isipin pa sa kanya. Mas maganda kung kusa nalang tutal ang purpose naman talaga nila eh para i-guide at mahalin ang mga magiging anak natin.

Magbasa pa
VIP Member

nung 1st bday ng pangalwa kong anak naka specify ko sa invitation nya na "monetary value", humanap ako sa ke mareng google ng nice way sabihin. dami na kasi naming toys ayaw ko ng magdagdagan pa. magbigay at hindi okey lang basta umattend sila. ung gift na pera diretso savings naman nila yun.

In kind lang dapat walang sapilitan or obligatory. Unless kamag anak mo at super close kayo kung TINANONG ka ano pwedeng ibigay. Huwag tayong kapalmuks may sari-sarili tayong pinagdadaanan financially. Kung anu lang ang kaya nila yun lang. Magthank you kahit ano pa yan. Matutong MAHIYA.

If tanungin ka kung anong gusto mo, pwede naman. Kung ikaw ung kusang manghihingi, i think it is inappropriate lalo kung di naman kayo super close. Pero kung super close naman kayo nung tao, pwede siguro.

hindi po kasi obligasyon ang mag bigay si ninang at ninong ng pera ang role nila is maging pangalawang magulang sa mga anak..kung may bigay sila be thankful walang sapilitan walang presyo

VIP Member

Nakakahiya pero mas okay na din siguro yun. Para di na mahirapan yung mga ninongs and ninangs. Or siguro gift list na lang para hindi nauulit yung mga gift nila. 😊😊

VIP Member

Meron din naman na magtatanong kung ano pang need ni baby then puede mu na lang sabihing cash for future needs ni baby

Nakakahiya at hindi tama. Mas magandang nag initiate yung tao kesa parang na-obliga.

oo lalo na kung alam mo kung anu lang kaya nila ibigay tagapin mo ng buo ..

VIP Member

oo, nakakahiya un dpat be contented sa kung ano ang binibigay sa atin.