nasanay din na sa karga baby nyo?

C baby ko nsanay, pagkapanganak plng nya, sa chinese gen ako nanganak sa charity nila, since strict breastfeed po dun, wla nandede c baby ko skin, iyak po sya ng iyak for 3days n nsa hospital po kmi, wala po mgawa kundi kargahin c baby ng kargahin para patahanin..then pag uwi nmn po sa haws, alacta formula ang pinainom nmn sknya pang second week nya, iyak nnmn sya ng iyak for 3days dahil constipated sya.so karga nnmn para macomfort sya.. aun until now, nasanay na iyak ng iyak at d natigil pag di sya kinarga.. =(

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

since si baby ay newborn, as much as possible dapat ay laging nakadikit sa katawan ng Ina. naga-adjust kasi sila sa paligid and comforting for them kapag karga karga ng Ina or Ama or maski ng Lola and Lolo. wag ipag-kait at wag isipin na magiging "sanay sa karga" ang baby kapag palagi mo siyang karga. growth spurth po iyan Mommy. dumadaan talaga sa ganyang phase ang mga baby. try to read more about it para alam mo ang mga mae-experinece ninyo ni baby kapag nagdaraan siya sa kanyang growth spurt phase. gawin mong bonding ninyo ang bawat minuto na karga mo siya. remember, minsan lang sila baby 😊. nakakapagod, nakakangawit, minsan pa maiiyak ka kasi hindi ka makakilos man lang. isipin mo na lang na kailangang kailangan ka niya. nasa loob siya ng sinapupunan mo for 9 months tapos isang iglap biglang nasa labas na siya. your baby needs to feel safe and secured. regarding breast feeding, ganyan 'din ako noong nanganak ako. unang tatlong araw napapaiyak or sigaw ako sa sakit sa bawat pagdede ni baby. nag tubig at nag sugat pa nipples ko. pero after 'nun? naging okay naman. nagflow na ng maayos ang breastmilk ko. meron kang gatas Ma, pero kakaunti pa lang. para lumakas gatas mo ay mag sabaw sabaw, more water, and offer lang ng offer ng dede kay baby. kasi ang pagsa-suck niya ang makakatulong na lumakas breastmilk mo. mas mainam kung breastfed siya Ma. okay 'din naman kung mixfed. pero you know what's best for your child naman,so go! go! go Mommy! ❤

Magbasa pa