sure na ba to?

buong 6 months ng pag bubuntis ko akala naming lahat baby girl yung baby ko. Kase ang blooming ko daw, walang nagbago sa itsura ko. Pero nung nagpa-ultrasound ako baby boy pala siya. Need ko ba magpa-second opinion?

sure na ba to?
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Di yan totoo sis, kasi sabi pag madumi daw magbuntis like pangingitim ng leeg, kili kili, singit at ibang part ng katawan lalaki daw yung baby. Pero babae ang baby ko. Kaya pala, marami nagsasabi Di yan basehan sa itsura ng ina kung may nagbabago habang nagbubuntis sa kasarian ng anak nya. Kung boy nasa utz mo momsh ibig sabihin boy po talaga ang baby mo. Kung Di ka cgurado sa resulta pwd ka nman po pa utz ulit. Pero may next utz pa naman yan momsh yung CAS Congenital Anomaly Scan lahat yan E check kung normal ba lahat body parts ni baby. Pati gender nya makikita.

Magbasa pa

Nagbabasa ako sa google and nanonood din ako sa youtube na mga sensyales if girl or boy ang baby.. Nakalagay don na if blooming si mommy probably boy.. Pag hagard girl kasi na steal daw ng baby girl ang beauty ni mommy🙂 kabaligtaran yun mga kasabihan na pag blooming babae🙂.. Or it depends talaga mga momshie sa nanay na nagbubuntis.. Ako nga i think boy talaga baby ko ihh pero sa ultrasound ko girl. 7 1/2 months nako nakapag pa ultrasound🙂

Magbasa pa

Para sakin wala po sa itsura yan mga momsh ang pagiging blooming o losyang ng isang buntis ay nasa sarili lang din natin kung magpapabaya tayo o magaayos..Ako nga po bago magpa ultrasound nag kilay at liptint pa kaya sabi nila babae daw..pagdating ng ultrasound ko si LO nakabukaka talaga at ang gender eh boy..So do you think nasa pagiging blooming ang gender ng magiging baby natin?☺️☺️

Magbasa pa

Ganun din sa akin maam, nung 5 months nagpa ultrasound ako, at boy ang result, pero hindi talaga ako makampante kasi nga sabi nila ang blooming ko daw baka girl daw yung baby ko, kaya nagpa ultrasound ako ulit nong nag 8 months na yung tiyan pero ganun pa rin ang result, lalaki talaga sya. Ngayon 39 weeks na ang akin tiyan, naghihintay na lang ako sa mga sign. #1st time mom here ✋

Magbasa pa

Ako po nka 2 boys na at pnagbuntis ko sila na blooming ako. As in wlang pimples sa mukha. Nasa likod ko lng mga pimples ko. But this time of my 3rd pregnancy. Sobrang dami kong pimples sa mukha at hoping for baby girl na nga. Sna totoo po lhat ng mga nagsasabi na baby girl na at pati sa mga nagcomment dito.. 17 weeks here.. At waiting pa pra mag paultrasound. 😊😊😊

Magbasa pa

Sa mga nababasa ko naman momsh sa google, ang sabi pag daw blooming ka nag buntis boy daw baby mo. Pero pag umitim ka or na haggard yung itsura mo hehe baby girl daw, pag baby girl daw po kasi kinukuha nya yung glow mo. Ganyan din yung kaibigan ko ang blooming nyang buntis natanggal din mga pimple nya, nung nagpa ultrasound sya baby boy din baby nya sis hehe

Magbasa pa

Aku nga sa 1st baby ko blooming at walang nag bago sa mokha ko sabi nila baby girl daw peru pag ultrasound ko its a baby boy.tapos ngayun buntis aku for 2nd baby dami akung dimples sa mokha at sa shoulder ko so sabi nila its a boy peru sa ultrasound its a girl😁 so wag kang mag second thought momsh hindi mag sinungaling ang ultrasound hehehhe

Magbasa pa

No need for 2nd opinion, kasi yan na proof sa sonogram mo. Dami nga rin nagsabi saken boy daw anak ko kasi sobrang selan ko then naglabasan pimples ko, pumanget ako, umitim leeg at kili kili ko pero 3x nko na-ultrasound baby girl tlga sya. Wala sya sa itsura tlga.

Same tapos nung nag pa ultrasound ako boy pala sya. 🤣 Pero hanggang ngayon kapag may nakakakita sakin sinasabi na girl daw baby ko as in madami talagang nagsasabi na girl daw, kaya gusto ko ulit patignan. 27 weeks preggy here na litong lito na HAHAHA 😙

4y ago

Opo super ramdam na po

Ang sabe naman po sakin pag ng acne breakout ka and all as in ang panget ng itsura mo Girl sya pag blooming ka naman boy sya. Hahaha 😂. And ako nag acne breakout ako nangitim lahat sakin haha. Then nung nag pa ultrasound ako Girl sya ☺️.