BUNTIS QUIZ! Sagutin at manalo

Alam mo ba ang sagot sa tanong na: "Anong side dapat natutulog ang buntis?" Sagutin ang tanong at magkaroon ng chance na manalo ng P500 shopping credits mula sa Lazada! Sundan lamang ang steps na ito: 1. Sagutin ang tanong na "Anong side dapat natutulog ang buntis?" sa comments section ng post na ito. 2. Add the hashtag #TAPstillbirthawareness. 3. Click "Participate" sa Contest link na ito: https://community.theasianparent.com/contest/buntis-quiz/391 4. Your correct answer serves as your entry to an electronic raffle. Submission of answers ends on February 25, 2020.

BUNTIS QUIZ! Sagutin at manalo
3046 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

 ang nakatagilid o nakaharap sa left side ay isa sa pinakamagandang posisyon sa pagtulog ng isang buntis. Dahil ang posisyon na ito ay makakatulong upang madalayunan ng sapat na dugo at nutrisyon ang placenta o inunan ng isang buntis para sa kaniyang baby. Sa pamamagitan din ng posisyon sa pagtulog na ito ay naiiwasang maipit ng uterus ang atay na nasa kanang bahagi ng ating katawan. #TapStillBirth Ang hindi naman pagtulog ng nakatagilid o pagtulog sa likod ng isang buntis ay maari ring magdulot ng iba pang problemang pangkalusugan sa kaniya. Dahil ito sa pressure at bigat ng fetus habang nakadagan sa intestines o bituka at iba pang major blood vessels sa tiyan ng isang buntis. Ilan sa mga problemang pangkalusugan na maaring maranasan dahil sa maling posisyon sa pagtulog ng buntis ay ang sumusunod: Breathing issues o problema sa paghingaDigestive problem o problema sa panunawHemorrhoids o almoranas Kaya naman pinapayuhan ng mga doktor na matulog sa kaniyang left side ang isang buntis para makaiwas sa mga problemang pangkalusugang ito at iba pang kumplikasyon sa kaniyang pagdadalang-tao. Isang paraan para makatulog ng maayos habang nakatagilid ang isang buntis ay ang paglalagay ng unan sa pagitan ng kaniyang mga binti. Ito ay para masuportahan ang kaniyang tiyan at likod habang nakahiga. Makakatulong rin ito upang mapigilan ang kaniyang katawan sa pag-ikot o pagtulog sa kaniyang likod o tiyan. Kung sakali namang nakakaranas parin ng problema sa pagtulog mabuting magpunta na agad sa doktor ang isang buntis para humingi ng payo. Dahil, sa isang nagdadalang-tao napaka-importante ng maayos na tulog para maibigay ang sapat na pahinga na kailangan ng kaniyang katawan at ng kaniyang dinadala. #TapStillBirthAwareness

Magbasa pa