Ask lang po

Bumili kami ng fetal doppler , 11 weeks and 5 days na po ako di ko makita yung heart beat ni Baby may nahanap kami mabilis lang po ng kaunti sa tunog ng heart beat ko sa may bandang puson ibabaw ng ating bulaklak . Di ko po alam kung ayun na po ba yun ??? Kasi kaunti lang po talaga nilamang ng bilis sa heart beat ko Btw chubby po ako bago po ma preggy tii now . Mira Caragay

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

120 to 160 bpm daw sabi ng ob ang normal range ng heartbeat bi baby. Advice samin ni ob nun pag 4mos nalang daw kami bumili para marinig na talaga ang heartbeat at hindi ako magpanic or mastress kung walang mahanap pag maaga pa gamitin, pero 18weeks palang nun dumating yong inorder ko ginamit ko kaagad pero tinuruan din ako ni ob paano gamitin. sabi nya 3-4times everyday gamitin ang doppler wala naman daw radiation un kaya wala dapat ipag alala. til now nagagamit namin palakas ng palakas sya.

Magbasa pa

Hi mga Mommy . salamat sa mga nag advice saakin .. Last nag check ko HB ni baby sa fetal doppler 11 weeks and 5 days ako , pinalipas ko lang 3 days . 12 weeks and 1 day nakita ko na talaga im so happy talaga ganun din asawa ko .. Legit yung saya tsaka nawala yung pagiging paranoid ko ☺☺☺🤗

Mine wasn’t detected through doppler hanggang 20 weeks. Minsan kasi dahil sa lugar ng placenta katulad ng sakin na anterior kung tawagin. Pero sa fetal biometry naman, healthy si baby. Ang alam ko may nabasa ako na mabilis ang hearbeat ng baby unlike satin. Sa knila parang tunog kabayo. Ganun.

i have a fetal Doppler,Mahirap pa po yan mahanap ang heart beat ni baby Mas okay po kung 15 weeks na si baby tsaka twice a week lang po dapat gamitin para d po tayo mag panic Mommy 🥰be safe mommy and to your baby❤️ I'm so happy for you. God bless😙❤️

minsan po mommy di pa naririnig sa doppler pag 11 weeks lalo na kung mabilbil po kayo at medyo mahina ang quality ng doppler. siguro magagamit nyo sya later na sa pregnancy nyo..

VIP Member

mag 4 months na po ako nung na doppler ni Ob, pero since first month ko po nagpapa check up na ako baka di pa po tlga masyado dinig pg 11 weeks pa lang

ok lang yan my, akin po hindi marinig HB ni baby nung 17 weeks sya kaya pina utz ako. Nakita rin naman, mahirap lang talaga masagap ng Doppler.

Ako 15 weeks ko na narinig yung heart beat using doppler. Mejo early stage pa po yan.

Basta kapag tunog na mabilis na parang takbo ng kabayo, kay baby yon.

Pero yung nadididnig ko po hindi po ba kay Baby yun sa may ibaba po ng puson ?

3y ago

kung di sya umaabot ng 120 to 150 bpm, placenta mo pa lang po iyon momsh. 🥰 akala ko din dato si baby na yun, pero sabi ni OB, placenta pa lang yun. kung 120 to 150 bpm, ayun, si baby na yun. usually, 15wks and up sya nadidinig sa doppler.