Gatas

Bumili ako ng gatas ni baby na bona para kapag umaalis ako may madede sya pero di ko naman araw araw pinapadede sa kanya yon kapag may biglaang lakad lang ako. Anyway, pinapa breastfeed ko sya sakin madalas. Kasi lagi naman ako sa bahay. Nung Ilang linggo pa lang sya dinidede nya naman yun bona, pero ngayong mag dadalawang buwan na sya sinusuka nya na yun. Ano kayang problema? Ibig sabihin ba nun ayaw nya na dumede sa bote kahit anong gatas o ayaw nya lang yung lasa ng bona at kailangan palitan ng ibang gatas?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Breastmilk mo nlng po ang ilagay mo momshie. Iba talaga ang lasa ng breastmilk.

6y ago

Hihina po talaga ang gatas mo momshie kapag mixfeed, kaya mas ok po kung hindi mkakadede magpump nlng. Ayaw nya po siguro ng formula kaya niluluwa. My mga baby po talagang umaayaw sa formula. Pero paminsan minsan try nyo padin padedehin ng formula if yon po talaga gusto nyo. Magpalit nlng po siguro kayo ng brand yung malapit sa lasa ng gatas mo momshie.