Sapat ba talaga ang P10,727 na monthly budget para sa family of 5?
Sapat ba talaga ang P10,727 na monthly budget para sa family of 5?
Voice your Opinion
YES, sapat na
NO, imposible yan

6474 responses

58 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Enough yan kung every month may donation ng bigas ang isang pamilya, libre education ng mga bata, hindi sila nagrerenta, may solar panel for electricity at nag iigib lang ng tubig sa poso at higit sa lahat hinding hindi sila magkakasakit. Sa sobrang mahal ng bilihin, kahit 5k na grocery sa pangangailan ng family of 5 kakaonti na lang yan. Mayghad!!!!

Magbasa pa

No. Sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon, goodluck kung magkakasya ang P10,727. Imagine, nagbabayad ka nang kuryente at tubig, pambaon ng mga bata at tumutulong pa sa mga magulang at kapatid. Samahan lagi nang panalangin na walang magkakasakit sa kanila dahil napakahirap talaga ng buhay.

VIP Member

Kung may sariling bahay, tapos sa province lang,, tapos di na namamasahe mga kids sa school, tapos may tanim na kayo gulay sa bakuran, tapos may supply kayo na bigas galing sa nanay at tatay mong may bukid.. Oo sapat na siguro yan😂😂😂

kulang po talaga yan ,kase. yung asawa ko po sahod ng nasa 30k isang buwan tapos ako 15k isang buwan tapos nag rerent to own pa po kame kame rin po nag susuporta sa mga magulang namin kaya kulang po talaga

VIP Member

Hindi, kung madaming pinagkakagastusan: Bahay, home owners fee, kuryente, tubig, internet & cable, tubig inumin, pagkain, panlinis sa bahay, pang hygiene, tuition, allowance ng bawat isa... Good luck 🤣

hindi dalawa lang kami ng anak ko wala pa 2 years old kinakapos pa din bayad rent ng apartment,electric bill,water bill plus internet the rest na matitira pangbudget

sapat basta hindi nagrerent and insured na lahat ng members ng family dapat may emergency fund na din at ipon. at kung walang college na pinapaaral lalo ba private school

5y ago

Sapat basta wag gagastos 😂

Pero sa nagrerent ng bahay kulang po talaga iyan, pati pang utilities. Kaya talagang kaunting sakripisyo, kung hindi talaga kelangan huwag bibilhin.

Gatas and diaper palang. Wala na! Pero ganyan ang mga pilipino, kinakasya ang sweldo para maka.survive! God bless all the hard working parents!

Sapat na kung marunong pareho ang mga magulang dumiskrte sa buhay, at kung naturuan ang mga anak na wag maging maarte sa pagkain . 😁