First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Grabe naman, sakin yung byenan ko ni di nga ako pinaglalaba. Lahat ng damit namin sya ang naglalaba. Natulong na lang ako sa konting gawaing bahay at pagluluto kase nakakahiya naman. At yung partner ko naman ayaw nya din na pinapakilos ako o inuutusan ako dito sa kanila. Kaya nagkukusa na lang ako kase mababait naman kasama ko dito sa side ng partner ko. 9 months na ako. ♥️

Magbasa pa
5y ago

Hays mahirap nga yung ganyang environment sis. Pano na lang pag andyan na si lo mo? Hays. Pray kana lang always. Malaking help yon 🙏🏼