P10 na ang pamasahe sa jeep!

Breaking news: naaprubahan na ang hinihinging P2 increase sa pamasahe ng jeep. P10 na ang minimum fare. Ano sa tingin niyo, mommies and daddies? Makatarungan ba ang dagdag na ito?

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes dahil nagtaas din ang gas. Kawawa mga tsuper. Pero bilang commuter, sana iprioritize ang commuter's safety more than anything. Willing ako magbayad ng extra kung maalis sa daan ang mga smoke belchers, kakaragkarag na jeep, balasubas na bus drivers, etc.. And Iiiiiiiii thank youuu

VIP Member

For me okay lang din nman kasi kawawa din nman ung mga driver yun na nga lang trabaho nila eh minsan pa nga may mga hndi nagbabayad ng pamasahe kawawa ang driver. Share ko lang naalala ko kasi yung kawork ko wala daw siya barya kaya nag 123 siya sa jeep . -_-

VIP Member

Ok lang dagdagan basta bago din ung mga jip at safe tayong mga commuters. Lagi akong inis sa jip ung mga luma lalo na pabyaheng buendia to moa. Ung maliliit na multicab. Lalo na pag buntis halos sira na mga jip nila f man lang naayos. Sikip paa. Kaloka

Its fine for me kasi syempre nag mamahal din ng nga gastusin natin nowadays kailangan din naman nila ng mataas na income kasi nag papagas pa sila and nag papaayos ng jeep and needs din naman nila for their family kaya okay lang yan

VIP Member

oks lng yan pero magand dn ngaun kc kalahati lng ng capacity ung pwedeng sumakay ibig sabihin buong pwet makakaupo, ndi kagaya dti n isisiksij ni driver na mapilit

oklang po saken yan kasi laking hirap din ng nga jeepney driver kayod magdrive kahit mainit o malamig pasada pa din. malaking tulong din sa pamilya nila yan.

huh 10 pesos palang sainyo po? 🤣🤣 charooot matagal na po samin 10 petot. kaasar nga po eh kung kelan probinsya saka anf mahal 🤣😅

Ang taas na ng pamasahe. Buti nalang nakaleave ako ngayon, di ako bumabyahe. Si baby ko nalang ung bumaba 😂 Sana lumabas na sya 😂

for me okay lang naman po tulong na lang den naten sa mga driver dahil mas lumiit na ang kita nila compare noong wala pang pandemic ..

For me its okey. Di naman na malaki yung 2 pesos na dagdag. Tsaka deserve naman yung ng mga jeepney drivers lalo ngayong pandemya.