Nang-iwan vs Iniwan: Sino ka sa dalawa?

603 responses

Ako yung nang-iwan. Ganito kasi yan, my ex and I have been together for 6 years. Matagal ko ng hinihingi sa kanya na magbaby na kami pero hindi kami makabuo. Never nya din akong inalok ng kasal or live-in. No singsing, nothing at all. So dahil hardworking ako that time, na-assign ako sa Zamboanga City at naiwan ko sya sa Manila. Nung una okay naman ang LDR set-up. Then, pandemic came. Doon ko na-realize lahat ng pagkukulang nya sa relasyon namin at kawalan nya ng diskarte sa buhay. Sa 6 years, ako lang ang nagsusucceed sa aming dalawa. Siya, kontento na lang na natatapos ang maghapon na walang nangyayari sa buhay nya. And kapag napapag-usapan ang kasal/baby or singsing, lagi syang umiiwas. Sa paulit-ulit na nangyayari, na-fall out of love ako at nakipagbreak sa kanya. After 2 months, I met this guy na super matured sa buhay. 2 months pa lang kaming mag-on ay nabuntis nya agad ako. To make the story short, iniwan ko si 6 years para kay 2 months and I can say, that was the best decision I have ever made.
Magbasa pa