Mali po ba na tumutulong parin ako sa magulang ko financially kahit may sarili na akong pamilya🥺
Breadwinner ako nung bago ako manganak sa 1st baby ko😢 sumama ako sa asawa ko nagbukod kami para sa pamilya namin. Pero kailangan parin ako ng mga magulang ko😢 ngayon need namin ulit umalis ni baby sa house namin para ipaalaga sya sa mama ko at makapag trabaho ulit ako. Pero yung partner ko po ay nasasaktan kasi para sa kanya hindi ko daw priority ang pamilya namin😢 may sama sya ng loob na kargo ko parin magulang ko kahit may sarili na akong pamilya.. alam naman po ng partner ko sitwasyon namin dati bago pa kami magka anak😢 pero hindi ko rin po kase kakayanin kung iiwan niya ako kami ni baby. Dahil hindi naman ako nakikipag hiwalay sa kanya. Hindi sya pwede sumama samin makitira sa parents ko dahil nagka issue po sila dati dahilan kung bat kami nag bukod😢 ang mama ko po may highblood mag 50yrs old na at hindi rin nakapag highschool kaya hindi nakapagbtrabaho, ang papa ko security guard mag 15yrs na at 50yrs old napo sya ngayon may rayuma🥺 Security parin si papa pero rotation po ang pasok sa trabaho pa 1week lang pasok nya sa isang buwan😢 ang partner ko hindi ko po alam kung naiintindihan niya ako. Ang kelangan ko lang naman support niya😢 ayoko rin naman po malayo si baby sa kanya. Ngayon nandito na kmi ni baby sa parents ko habang nag hahanap ako ng trabaho.. umuuwi parin kami ni baby sa bahay para makapag bonding sila ng daddy niya. Pero nakikita ko parin na nasasaktan ang partner ko. Hindi ko napo alam paano ipapaliwanag sa kanya 🥺 or kung paano ko sya kakausapin. Mahal na mahal ko ang pamilya na nabuo namin🥺😢 #advicepls #advicepls #advicepls #theasianparentph