ang emotional ko sorry ?

May boyfriend ako na 6 years older sakin tapos simula nung nalaman niya na buntis ako inaalagaan naman niya kami ni baby at pinaglulutuan minsan nga pati pag hugas di na niya pinapagawa sakin pag pagod or antok na ko, hindi kami nagsasama talaga kasi I'm working in BGC tapos siya resigned na to find a better paying job, may boarding house ako pero once or twice na lang ako umuuwi pag super pagod ako tapos puro sakanila na kasi para magkakasama kami ni baby (kasama niya nga pala kapatid niya sa bahay) tapos yun nga alaga naman niya ako kaso I feel sad sometimes when I discover something sakanya like nung may iba siyang nilandi naiinis ako kasi di niya ako ininform eh. nakasalamuha ko yon sa workplace namin nung andito pa siya, nakakainis lang kasi clueless ako na nagkafeelings pala siya sa iba na around the circle lang. Tagal niya din yon kinulit kaso nga may boyfriend yung girl pero close close pa din sila. Kaya ayon nakakatampo lang kasi yung samin yung relationship namin mabilis lang naging kami tapos eto after 6 months nagkababy na kami tho gustong gusto naman niya to at binibigay niya lahat ng needs ni baby minsan lang pag nalalaman ko yung part nung mga past niya naiirita siya tas minsan feel ko di nag siya naiinis sa mga nilandi niya before kesa sakin. Ako naman open ako sa mga naging past ko siya di masyado pero sabi niya ako daw ang first girlfriend niya tapos sabi ng kapatid niya ako lang napakilala niya. (Di pa din alam ng kapatid niya na buntis ako haha) P.S di ko siya inaway inask ko lang tapos dun siya nairita.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po.. kinokompronta ko yung bf ko.. nung hindi pa kasi ako nagbubuntis mejo may pagkaselosa na talaga ako.. pero kahit minsan dko sia inaway,, nananahimik lang ako tas pag napansin nia na,, na parang bilang yung mga words ko kapag kausap ko sia,,magtatanong na sia ng kusa.. pero nagiba nung nagbuntis na po ako.. mas naging sensitive ksi ako .. inaaway ko na sia.. lalo kapag may mga nakikita ako o nalalaman.. tas kinokompronta ko na sia.. nakascreenshot pa nga haha 😅😅,, siguro para din sa lagay namin ni baby iniiwasan nia na mastress ako.. kaya iniwasan nia naman yung mga bagay na kinakabwisitan ko.. moral : better confront him momsh,, hindi maganda yung ,, nagkikimkim ka ng sama ng loob lalo preggy.. tsaka hindi lang para sa baby .. para na rin sa ikakabuti ng lagay ng relasyon nio.. 🤗🤗

Magbasa pa
6y ago

Trueee kaya I always confront din mamsh pero in a good way na unlike nung di pako buntis inaaway ko talaga siya hanggang mabadtrip ngayon naman mas naging understanding ako pero sensitive pa din.