Matipid na partner

Hi mga momsh! Gusto ko lang marinig mga sentiments/opinions nyo, kasi ganito po yun si hubby ko admitted naman siyang kuripot siya. Actually, parang close to matipid kasi laging economical ang peg niya pagdating sa mga gastosin. Well, sa pagkain di naman niya ako tinitipid kaso nga lang ang hirap niya maglabas ng pera pagdating sa mga gamit na bibilhin para kay baby. I mean di naman ako nagrereklamo or ano kasi alam ko iniisip niya lang ang mga babayaran namin sa ospital pag nanganak na ako kaso nga lang parang nakakatampo siya pag minsan kasi anak naman namin yun eh, kung ako lang na nakakapag trabaho pa tas sumasahod di ko iisipin yung gastos lalo na yung mga basic needs ni baby gusto ko lang kasi maging ready bago siya lumabas naka leave na kasi ako ngayon sa work kasi malapit na ako manganak. Kahit nga mama niya sinabihan siya na makukuha lang naman ang pera, medyo matigas lang kasi ulo ni hubby pag minsan. Pero don't get me wrong po, ramdam ko ang love ni hubby sobrang bait niya and wala akong masasabi sa pag alaga niya sa'kin pati na sa baby namin kahit nasa tiyan pa lang siya. Nagtatampo lang ako sakanya kasi may gusto ako bilhin kay baby parang pilit pa sakanya dahil ang mahal daw or kahit wag na daw bilhin kasi baka masayang lang. Hays. Should I tell him what I feel?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes sis..tell him..hubby mo sya..walang masama kung magsabi ka ng hinaing mo..saka tama nman na u have to prepare ung mga basic needs ni baby nyo eh hehe..

4y ago

Kaya nga po sis eh, siguro dahil na din sa hormonal changes to kaya kung ano anu na iniisip ko pero you're right po. Mas better maging open sa isa't isa kesa pag awayan pa in the end.