Okay lang bang pagsabayin ang binyag at 1st birthday?
![](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/assets/question_images/thumb_16462190416884.jpg?quality=90&height=400&width=500&crop_gravity=center)
1257 responses
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Pareho sa panganay at bunso naming anak, sabay ang dedication at first birthday. Same lang kasi ang mga bisita na iimbitahin. Wala din kami sariling space at hindi din kalakihan ang budget kaya mas practical para sa amin na sabay na celebration. Yung iba nagtataka bat pinagsabay pero nung after natuwa din kasi nga pag dedication or binyag minsan ang mga bata nababagot kasi pang "matandang" event tapos sa birthday may ibang ayaw pumunta kasi pambata lang naman daw un pero nung pinagsabay atleast parehong happy at satisfied ang matanda at bata. Pareho na sa Jollibee (magkaibang branch 2017 at 2019) kami nagcelebrate at dalawang slot/extended hour kinuha namin kaya ung sa pagames, meron sa matanda at bata, nagkaron pa ng maiksing program kaya para sa amin everybody happy ❤
Magbasa paDepende !! seaman daddy ni baby , manganganak nga akong wala xa sa tabi ko .. tps 3mos pa bago nia kmi makasama at mkita c baby .. plano ko pg 4mos ni baby pa binyagan na nmin , bgo xa sumasaky ult o umls .. kc alam ko sa 1st bday ni baby wla si daddy nia .. so kht man lang sa binyag my family photos kming tatlo .. mhrap pg LDR tps dagdag pa na di makakasama ni baby ang daddy nia sa pag laki nia .. kakalakihan nia na videocall lng kming tatlo .. pero pg ok ok na ang lht at my business na kmi pwde na xang di sumakay pa .. at makasama na nmin xa ..
Magbasa paWala naman problema if pagsabayin ang binyag and 1st Birthday. For practical reasons, marami na ginagawa ng ganyang nowadays. Kung may budget naman for separate celebrations, why not? Yung naunang 3 anak ko, separate ang binyag and 1st Birthday celebration namin. Pero sa pang-4, pinagsabay ko. Dito sa bunso ko now, pinag-iisipan ko if isasabay ko sa birthday ko or sa 1st Birthday nalang nya ung binyag which is also birthday ng Daddy nya. Nasa parents naman yan eh.
Magbasa padepende, kung may budget kaht pagkalabas ng hospital then celebration intimate bakit hindi. 😅 pero ako kasi sa panganay at bunso ko 3mos nabnyagan na simple lang din na handaan. sa pamilya ndn kasi namin noong maliit kami nakita namin sa pic less than 3mos nbnyagan na kami magkakapatid so gusto ko lang din gayahin na ganon 😂😉
Magbasa pakami po nagbabalak palang..para samin na mag asawa much better kung pagsasabayin nalang namin para din naman isang gastusan at maibigay namin sa baby namin yung dream naming handa for her.. wala naman po atang masama dun kasi pagiging practical nadin naman na po sa mga gastusin..
Yes yan plan namin nung First B-day ni baby kaya lang di nangyari kaya 2nd b-day nya na namin nagawa.. isinabay nalang namin yung b-day sa date ng binyag since walang schedule ng binyag nung B-day nya. sulit nmn isang paguran at handaan lang.. Kasama pa namin family both sides
pwede naman..sa panganay ko pinagsabay Namin para isang gastos .pero ngaun sa bunso ko Hindi kasi kulang sa budget pinag ipunan naman Namin kaso may mga dumating na pagsubok Kaya ito Ang binyag kapag nakaipon na ulit kami.😌
OFW ang husband ko kaya mas gusto ko na andito sya sa mga special occasions kaya pinagsabay namin 1st birthday at binyag ng baby namin nung bakasyon nya.tska minsanan na rin ang gastos at pagod sa preparations.
yes pingsabay ko birthday at binyag ni baby d nga lng sakto sa birthday nya un binyag but worth it nmn ..nakaraos n kme ❤️🙏💖🥰
opo, mas makakatipid sa gastos Kong sabay Ang bday at binyag . pero depende Rin po sa inyo Kong mas gsto niyo hiwalay Ang binyag at bday
Domestic diva of 1 superhero magician