Okay lang ba na pagsabayin ang binyag at 1st birthday?

1121 responses

okay lang naman pag sabayin, pero mas okay din yung kung 2 month old or 3 month old na so baby pabinyagan mo na agad kasi mas mahalaga ang basbas ni Jesus kesa sa handaan. pwede din kasi binyag lang walang masyadong garbong handa ang pinaka mahalaga kasi talaga eh mabasbasan yung bata. or pwede naman binyag muna then yung handa sa 1st bday na maiintindihan naman ng mga magging bisita yun. katulad ng ginawa ko kay baby ko binyag muna tapos na carbonara lang kami tyaka na yung handa na garbo sabay na sa 1st bday niya
Magbasa payes okay na okay wala naman mawawala at masasayang kapag pinagsabay ang binyag at 1st birthday sa panganay ko lang di sabay kasi isinabay na namin sa kasal yung binyag pero sa 2nd son ko syempre 1st birthday at binyag na para isahan na din handa at isahang pagod nalang din
yes,mas kakatipid.sa panahon ngayon mas ok na ang makaminus lalo na at mataas ang mga bilihin.10k ngayon kulang na kulang pag madami kang bisita.
Yes. Ito ang plan ko for my 1st baby. For me, importante na mas paglaanan ng pera ang savings and emergency funds. Pero kung may extra savings/income go lang.
Sa panahon ngayon ng pandaemic, mas okay na pagsabayin ang first birthday at binyag para iwas exposure ang anak sa several events. 😊
Yes po. Lalo na ngayon nasa pandemic pa rin tayo mas mainam na isabay na laking tipid pa. Safety for everyone na din.
okay lang naman kaya lang ang bigat na ng baby ko so nag worry na ako kung mabubuhat ko pa sya ng matagal kay father
yes . kaya lang mas pagod kasi mas maraming bisita. sa experience ko lang. meron din kahit di invited pumunta. 😅
ok lang po, mga anak ko po parehong sabay binyag at 1st bday, para isang gastusan lang..
at 2 mons binyag na ni baby para mabless na agad sya. pwede namang simple celebration lang.