20 WEEKS.. May UTI po ako

Binigyan ako ng midwife sa health Center ng anti biotics pagktapos nya po makita ung result ng ultrasound ko at urine ko at ayun Hindi ko po alam kung iinumin kopo ba o hindi kasi sabi ng MIL ko hindi daw po pwede ung anti biotic sa buntis kasi pwede daw po makasama sa bata at magkaroon ng inborn ang bata. Hindi ko alam gagawin ko ayaw talaga nila ko painumin kaya ngayon di ko na nainom pero ano kaya sasabihin ko sa midwife pag nagtanong ano po ba dapat Kong gawin ...😔#pregnancy #1stimemom #advicepls #firstbaby #momcommunity

20 WEEKS.. 
May UTI po ako
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa first baby ko my uti din po ako lalo nga lumalala kada ng papa check up ako siguro kasi di ko nmn lagi naiinom yung gamot parang umabot ata ako sa 3 level ng uti kc binabago nila yung gamot ko pag tuwing bumabalik ako sa check up pero good thing nmn mo buhay ang anak ko at mg 5yrs na siya .. yung gamot ko noon di ko talaga ma maintain dahil mahal at malayo ang bilihan dhil sa province nga my ng advice sakin na pagkagising po sa umaga buko juice ang unang inumin maraming marami kng maaari natural way po yun para ma treat po ang uti nyo po safe way po ☺️ goodluck at keep safe po😊 drink plenty of water din po iwas sa maaalat at instant food para iwas uti

Magbasa pa
VIP Member

eventhough di nman po ako nagka UTI During pregnancy momi...itake mo po yan according sa days na binigay sau walang mintis kc antibiotic po yan.Safe Naman po yan as prescibe by the mid wife,..momi trust her since Wala tayong capability pumuntA Ng obgyne na mas best pa po Kong magpa check up ka dun pra macheck na din si baby mo...mura lng po check up sa obgyne momi pasok sa banga lng.More water at buko juice pra mas mdali po ma heal Uti mo at avoid maalat.Godbless momi to your journey of pregnancy.

Magbasa pa

hello po mommy , ewan ko lang po ha , kase nung first baby ko po , naresitahan din po ako pang uti (antibiotics) di ko lang po sure if naka apekto un sa baby ko , namatay po sya anencephaly 💔 late ko nadin po nalaman ung kalagayan nya , nung manganganak nako dun lang namen nalaman sa center lang din ako nagpapacheck up , kaya po nung second baby ko , aside from vitamins wala na ko ibang tinake na gamot

Magbasa pa

Safe naman po pag reseta sayo mismo ng or bigay ng midwife sa center. Yung akin Tatlong klase ng antibiotics kase Hindi tumatalab. Every 1 week na gamotan, nagpapa urinalysis ako para Makita ang results. Sa pangatlong reseta ng antibiotics na nawala Uti ko. Need kase Yan, mas delikado oag Hindi naagapan dahil mapupunta kay baby as per the midwife sa center na pinag che-check up-an ko

Magbasa pa

Ako kkatapos ko Lang ubusin ung Antibiotic ko . Co amoxiclab. 3x a day. Nung una kasing nagka uti ako 20+lng pus ko. After a month tumaas ng 40-45 kaya ininom ko na ung reseta sakin kasi nahihirapan din ako , sumasakit at tumitigas puson ko dahil sa uti

4y ago

0-2 po

may mga gamot na safe po sa buntis ,tulad ko nagtatake ako ng gamot kase nag ka.uti ako noon. Safe naman daw sabi ng doctor kase hindi naman daw sila papayag na magpatake ng gamot kung bawal kase para din sa safety niyong dalawa ni baby niyan

VIP Member

Mas safe naman po ang mga gamot na binigay ng doctor kesa po sa untreated na UTI kasi mas makakaapekto sa bata yan. Kung confirmed naman po pala na pregnant kayo for sure naman ang binigay na gamot ay safe para sayo

4y ago

po

Hello po, nag take rin ako ng cefuroxime nong 14 weeks ako. Safe naman po yan basta prescribed. Mas masama po kasi pag hindi na gamot ang UTI. Drink lots of water and iwas sa maalat. ☺️

kc sbi ng OB kpg Hindi daw nagamot Yung UTI ko,pwede mag coz ng premature labor,ayon tinapos ko Yung pag take,umulit ng Urinalysis,naging ok na.

Safe namn yan momsh, nag ka uti din ako before at yan prescribed skin ng doctor ko.. okay namn c baby.. nasa second trimester nako 🙂