Bilang isang mommy, isang struggle sa akin ang gift idea tuwing darating ang birthday ng aking anak, kaya naman nag isip ako ng maaari kong iregalo sakanya na useful, mura at maeenjoy niyang laruin.
Ang naisip ko ay bakit hindi ko iintroduce sakanila ang mga laruan ko nung aking kabataan?
Ang hirap lumabas ngayon kaya nag decide akong bumili nalang online at napakaswerte ko dahil may nakita akong isang online store na puro laruan ng batang 90’s ang ibinebenta.
Nakabili ako ng
Jackstone Php35
Pick up sticks php50
Pogs php30
Plastick balloon php30(100pcs)
Paperdoll php15
Tictoc Toy php15 pesos
May piggy bank din akong nabili dahil personal request ng aking anak php70 pesos ang isa.
O diba super affordable!
Bilang makabagong kabataan, nacurious sila sa mga laruang ito at marami silang tanong kaya naman pati ako ay nag enjoy dahil nakisali ako sa lari habang ipinaliwanag ko sakanila kung paano ito laruin at syempre nag share na din ako ng ilang childhood memories ko.
Tuwang tuwa ang mga bata. Kakaiba ito kumpara sa mga gadgets na nilalaro nila ngayon.
At masasabi ko na iba parin ang mga sinaunang laruan. Simple,mura may interaction sa kalaro hindi puro screen lang ng gadgets at maeenjoy mo talaga.
Kayo mommies, gusto niyo din bang itry ang batang 90’s toys sa inyong mga anak?
#Batang90 ‘s #Giftideas #TipidTips