Mamauag B Hiedie profile icon
PlatinumPlatinum

Mamauag B Hiedie, Philippines

VIP Member

About Mamauag B Hiedie

Pinay Nanay

My Orders
Posts(2)
Replies(1)
Articles(0)

Ang aking Anak ay may Autism

Ang aking anak ay may autism. Isang taong gulang si AFIARA ang aking pangalawang anak ng mapansin ko na may kakaiba sakanya. Paano ko nga ba nasabing may kakaiba? Bilang ina, mararamdaman mo ito.. yung sinasabi nila mothers instinct.. pinacheck up namin siya sa developmental pedia at tama nga ang aking hinala, si yara nga ay may autism. Ano nga ba ang red flags ng autism? Base ito sa napansin ko sa aking anak. Nagfaflap ng hands -Nagti-tiptoe -Kapag tinatawag ang pangalan hindi lumilingon -Mahirap kunin ang atensyon Pinaglilinya linya ang mga laruan Ano ang next step kapag nadetermine ng doctor na ang iyong anak ay may autism? -Irerefer ka nila sa isang therapist. Depende ito sa kailngang therapy ng iyong anak. Sa case ni yara siya ay nag undergo ng speech therapy, occupational therapy, behavioral therapy at group class upang madevelop ang kanyang social skills. Mahal ba ang therapy? Kumpara sa regular school, may kataasan ang rate. Based sa tutorial center na pinasukan namin, nag rerange ang per hour session sa 450-600. Hanggang kailan ang therapy ng batang may autism? May go signal naman ang therapist at doctors. Sasabihin nila saiyo kung may improvement ang bata at kung pwede na silang ilipat sa regular school. Ano ang pinaka challenging part ng pagiging isang ausome mom? Para sa akin yung anxiety ko. Kasi iniisip ko palagi paano pag nawala kami, paano si yara..may willing bang mag guide sakanya at umako ng responsibilidad namin. Ano naman ang pinakamagandang part ng pagiging ausome mom? Siguro yung may forever baby kami. Si yara kasi sobrang lambing lalo sa daddy niya. Super clingy.. Anong maiaadvice mo sa mga mommies na feeling nila may autism ang kanilang anak? Maiaadvice ko po, As soon na kinabahan ka at feeling mo may mali sa anak mo, ipacheck up mo kaagad. Early intervention ang kailangan. Atleast habang bata pa sila maipatherapy na natin sila. Mas mahirap kasi kapag maedad na ang bata mahaba na ang hahabulin mong sessions. Seek profesional advice. Huwag ka rin mahihiyang mag approach ng co-mommies na may ausome kids. Sali ka sa mga groups. Higit sa lahat tatagan mo ang kalooban mo. Maraming mga mapangutya sa paligid, dapat hindi ka papaapekto sa maririnig mo na hindi maganda tungkol sa iyong anak lalo na kapag icocompare sila sa ibang bata. Magfocus ka lang sa anak mo at ipadama mo sakanya na hindi siya iba.

Read more
Ang aking Anak ay may Autism
 profile icon
Write a reply