MIL gone too soon
Bf/gf kami ni hubby for almost 8yrs, got married last december. And currently 6mos pregnant with our first baby. Super family oriented sina hubby. As in. Kahit all boys sila, close na close sila as a family. And never ko nrmdaman na hndi nila ako gusto. Lalo na ang mama niya. Sa tagal naming magjowa ni hubby, napalapit nako sa family nila, since ang mama ko OFW since grade 1 plng ako. Unfortunately, biglang tinawag na sa heaven si mama (MIL), sobrang sakit. Ni hindi man lng niya naabutan ang first apo niya. Excited pa naman siyang sobra. Nabilhan na niya ng mga damit si baby. Sobrang bilis ng 24hrs na pangyayari na un sa amin. Kung msakit para sa akin, pano nalang sa asawa ko? Sobrang close niya kay mama. And natutuwa ako kasi dahil dun, sa haba ng relasyon namin, never niya ako binastos, niloko, sinaktan. Never kami nag away. Tulad ng mama at papa niya. Ngayon... Nalulungkot ako. Namimiss ko na ung asawa kong masayahin. Nakakausap ko naman na siya, nagtatawanan kami mnsan, pero hndi tulad noon. May mga times na naririnig ko nlng siya umiiyak. Niyayakap ko nlng siya. Sobrang sakit. Sobrang bait ni mama. Ang hirap kasi kung ano ang pwede kong sabihin sa asawa ko. Hndi ko naman pwedeng sabihin na okay lang yun, kasi hndi naman un okay. Ang hirap maghanap ng tamang words of encouragement, motivation,.. Alam ko matatagalan pa bago matanggap ng asawa ko. Di naman ako mawawala sa tabi niya. May same case po ba ako dito? Pano po ung gnwa niyong tulong sa asawa niyo sa sitwasyon na ganto? Si mama kasi, wala tlga siya sakit, ni hndi siya nagpaalaga. One time lng un, wala pang 24hrs, nwala na siya. Biglaan. Nakokontrol ko naman emosyon ko kasi kailangan. Baka mapano si baby. Iniisip ko lng tlga asawa ko. Nlulungkot dn siya kapag namimili kami gamit ni baby. Naalala niya si mama. Kaya sa online nlng ako umuorder kesa sa mall tpos ksama ko siya pero tulala nman siya. ๐ข