may bf akong arabo non, 1st time namin magDO. dahil nasa ibang bansa siya, at ibang bansa din ako.. more on chat kami.. after a month, kinabahan ako kasi wala pa mens ko.. then sinabi ko sa kanya kasi madalas niya tanungin kung meron na daw ba dalaw ko.. nagPT ako after 2weeks delayed.. and confirmed na positive nga.
50% happy ako. 50% hindi kasi di ko alam ano magiging reaction niya.. the day na nagPT ako, sinabi ko agad sa kanya.
nagulat siya. IPALAGLAG KO DAW. at paano daw nangyari na nabuntis ako eh WINITHDRAW NAMAN DAW NIYA. many times daw niya ginagawa dati sa ex-gf niya pero di naman daw nabuntis, bakit daw ako na 1 time eh agad nabuntis.
that time, FERTILE ako kako sa kanya. merong PRE-CUM na lumalabas sa ari ng lalaki na hindi nila yun mararamdaman.
fast forward, so ayun ayaw pa rin niya talaga matanggap na buntis ako at gusto niya talaga ipalaglag. sobrang stressed ako nun, di ko alam ano gagawin ko. 95% decision ko nun is NO TO ABORTION. 5% yes kasi paulit ulit niyang sinasabi sakin na ayaw niya pa magkababy, ayaw din niya magpakasal dahil hindi pa daw xa financially stable.
ako as FIRST TIME PREGGY, takot ako magpaABORT dahil sa mga side effects and complications na mangyayari.. at BIG SIN yun at maaari akong ikulong dahil nasa Middle East Country ako, if they found out that you did abortion or pregnant out of marriage, pwede ka nila ikulong..then doon ka manganganak pero uuwi kang hindi mo kasama ang baby mo.
so, i decided to resign kahit wala ipon just to save my baby and myself.
this is the TOUGHEST and super heartbreaking decision i made.
to continue my pregnancy without the moral or financial support from the father of my baby.
the day of my flight, the guy BLOCKED me to all social media accounts para di ko na xa makontak..siguro dahil natakot xa sa sinabi kong i will file a case against him in the future for what he did to me or siguro dahil ayaw lang niya harapin ang responsibilities niya.
Take Note, ako nagbayad ng Ticket at Visa ko. (worth 35K) wala xa ni pisong support.
after a month, i searched for his Business Partner here in Philippines sa Social Media and luckily nahanap ko and told the story.
so the Business Owner was shocked kasi SHE knew him 4 or 5years ago na mabait at hindi aakalaing magagawa niya yun. SHE decided to PULL OUT his (father of my baby) partnership fee if hindi niya aayusin problema niya sakin, so since nun nagpadala xa sakin ng KONTENG SUPPORT. twice na xa nagpadala, same amount. pero ndi yun enough. at ndi ko rin masasabing support yun dahil mawawalan xa ng SHARES sa business kung ndi xa magpadala sakin.
now, the question is.. itutuloy ko pa ba sa pagfile ng case sa kanya kahit na alam kong malaki ang gagastusin ko sa documents and sa Lawyer?
kasi sa totoo lang i spent 10k na sa pagkuha lang ng Special Power of Attorney with CANA (supporting documents) with APOSTILE (DFA red ribbon) and AUTHENTICATION from SAUDI EMBASSY. and i spent 2weeks from that kasi need to stay in Manila and rent ng room kasi may the next day pa makukuha ang CANA, then sa DFA din. tapos 3-5days naman ang Authentication for Saudi.
nalulungkot ako kasi I'm travelling alone 7hours in bus, 6months pregnant just to get my rights and rights ng baby ko. pero now, may mga need ulit ang Lawyer.. MONEY for translation to Arabic, original documents to proof that im pregnant, eh magkano na ang magsend ng docs sa Abroad, P2,400. nakakapanghina mommies kasi, imbes na pambili ko yung pera sa needs ng baby ko in the future, napupunta lang sa pagprocess na hindi ko alam hanggang saan lang kaya kong ibayad sa pag file ng case. ?
next year pa kasi ako maghahanap ng work para may future si baby. irereject lang kasi yung CASE pag after birth na ako magfile ng case. napakaUnfair ng buhay mga momsh. ang sakit tanggapin na lumalaban ka para sa rights mo and rights ni baby pero parang wala ng choice. ?
ang swerte niyong mga kinasal at responsible ang mga asawa. naiinggit ako. ?
sa loob ng 4months of my pregnancy, naisip ko magpakamatay. but i choosed to fight for my baby..