Hindi dapat maligo ng tuesday at Friday ang baby

bawal po ba talaga maligo ang baby ng martes at byernes? 5 months and 2weeks na si baby, ganun na din katagal akong sumusunod sa gantong sabi ng byenan ko. Gusto kong paliguan baby ko ngayong martes, napakainit ng panahon. di ko lang maintindihan kung ano bang kinalaman ng araw sa paliligo ng baby.

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello bii ganyan na ganyan din si mama ko daming pamahiin kaya nga nagaway kami dahik dyan hindi ko kasi dya sinunod kasi mas sinunod ko yung advice ng pedia.. mas okay daw maligo everyday para fresh si baby at laging clean..

hindi bawal at walang konek. Anytime pwd pliguan as per pedia. Wag mo sila sundin wala naman silang magawa. Ako na never ko sinusunod mga sabi2 ng matatanda, mas sinusunod ko ung advice ng pedia ni Lo wala naman silang palag.

TapFluencer

Not true mommy. Everyday ko pinapaliguan si Baby ko. Sabi lang po yan ng matatanda. Lalo na po ngayon summer na kawawa naman ang baby kung di papaliguan, mas maginhawa po pakiramdam nila at mas masarap tulog pag bagong ligo

mhyts lang po yan mi. pano pag gantong panahon? sobrang init. susundin niyo pa din po ba mga kasabihan? tayo nga sobrang naiirita sa init pano pa yung mga babies naten. mas doble daw sa kanila 🙂 so di yan totoo mi

Ngayon ko lang po narinig yan. 😅 Pinapaliguan ko sa lo araw-araw. Mahimbing ang tulog nya kapag nakakaligo sya, presko sa pakiramdam. Sobrang init pa man din talaga ngayon. Iritable baby ko kapag hindi naliligo.

Pamahiin lang yan. Sinusunod ko sya noon kasi nung nanganak ako December so sobrang lamig. Pero nung nagsimula na uminit wala ng pamahiin, mas ok na comfortable si LO kaya araw araw na naliligo

VIP Member

Myth lng po yan ganyan din sinabi ng biyanan ko kaya daw nagkbutlig si baby sumubok din nmn ako n hindi pliguan ng martes at biyernes pero parang mas dumami pa rashes ni baby sa face

Sinabihan ako ng mama ko at ni MIL ng ganyan, araw araw ko pa rin nililiguan kahit nasisita ako hehe. Pawisin si LO at initin ang katawan, kawawa naman kung di maligo. 😂😅

ganyan din dito sa amin. para Wala gulo oo lang Ako pero pinaliliguan ko Si baby sa room namin d Naman nila nakkita hahaha. sobrang init paanong d paliliguan Ang lagkit pa

not true po. narinig ko rin yan sa mother-in-law ko. magkakasakit daw kasi ang baby pag nabasa ng tues or fri. wala naman po scientific basis, pamahiin lang.