first baby

Bawal na po ba talagang manganak sa first baby sa lying in kahit doctor ang magpapaanak??? Hindi po kasi ako komportable sa hospital. Nakalagay po sa labas ng lying in ay philhealth accredited. Give me info about this law please. I'm 26 y/o and hindi maselan magbuntusis. edd is oct. 17. Thanks po ?

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

First baby ko. Sa lying in ako nagpapacheck up at balak ko din na dun na manganak dahil alam ko 100% maaasikaso ako dun. And natanong ko na din yung tungkol dyan. At sabi ng midwife, hindi pa naman daw talaga totally confirmed yung tungkol dyan. Pinagtatalunan pa daw yan hanggang ngayon dahil nga kasi madaming nag complain na midwife, ni hindi man lang daw muna sila tinanong about sa opinyon nila. Kaya ako kahit papano napanatag ako. Sadyangbmay ibang lying in lang talaga na sinusunod na yan. At meron din naman mga lying in na tumatanggap pa ng first time moms.. Malapit na ko manganak. All throughout my pregnancy, hindi nila ko pinabayaan. Maasikaso sila.

Magbasa pa
5y ago

Magagamit pa yan.

VIP Member

Sabi ng OB na nakausap ko, not advisable pag first baby kasi wala ka pa experience sa panganganak pero if gusto mo talaga, make sure na kumpleto sa gamit yung lying in saka wala kang complication sa pagbubuntis, saka inquire mo din if pano pag biglang na CS ka, kaya kaya nila? FTM din ako and gusto ko mag lying in kasi katakot pag hospital saka magastos. May mga private lying in naman po tas OB yung magpapa anak sa inyo. Mejo mahal lang ata parang yung malapit samin. Pupuntahan ko sa sept. Sana tanggapin ako. 😊

Magbasa pa

Bawal na po manganak ang ftm sa lying in kahit doctor pa. Kasi unang una hindi niyo na po magagamit ang philhealth kahit accredited pa sila, dahil naglabas ang DOH ng memorandum na hindi na magagamit ang philhealth sa unang anak at panglimang anak. Pangalawa, mas magandang manganak sa hospital incase n may mangyaring hindi inaasahan while on labor mas kumpleto po ang gamit sa hospital kesa lying in. Kapag lying in tas may nangyaring hindi inaasahan, hassle kasi ittransfer kapa ng hospital.

Magbasa pa
5y ago

Yan din sis sabi ng ob ko..

Nung 1st baby ko po sa lying in lang ako ksi nag ttipid byanan ko. Wala pa kmi work ng mister ko nun. So pag ttipid ayun after 1 week dinugo po ako at dinala den ako sa hspital if d daw ako nadala agad patay nq now ksi naubusan nq ng dugo as in balde baldeng dugo lumabas saken. And after po nun na raspa ako. So now po sa mga sumunod na baby ko sa hospital na po ako nanngnak from 2nd to 4th baby ko. Nakaka trauma

Magbasa pa

Ako nga lying in cord coil pa si baby 2x nakapulupot. Panganay ko yun. Okay naman. Ang pinagkaiba lang nila kase, di natetest si baby if may sakit ba or what kase ibibigay din sayo after manganak. Then pauuwiin ka kaagad bukas. Sa hospital. Monitor si baby, minsan oras or araw pa bago ibigay then 2 days ka bago makauwi.. di kase maiiwasan sa ospital na CS agad pag nakita nila na example. Cord coil. Ganun.

Magbasa pa

FTM ako but wala akong balak na manganak sa Lying-In at ayaw din ng BF ko,lalo hindi naman naten alam if anong mangyayari saten before and after manganak. Paano kapag emergency CS ka? Tatakbo ka din sa Hospital. Pero kung nagtitipid ka naman eh its your choice na mag Lying In. Better to save money pra atleast jo matter what happened financially prepared ka.

Magbasa pa

Bawal na po, until last December 2019 po yung pwede manganak ng first baby sa lying in. Ngayon po sabi ng Dr.sa akin bagong patupad daw po ng DOH. Pero noon pwede nga daw po sa lying in ang first baby. Pang 1st at 5th baby dapat daw po sa ospital, pero kung 2nd,3rd at 4th inaaccept ng lying in na doon ka manganak. Ftm here.

Magbasa pa

First time mom din po ako and nagtanong ako sa lying in na pinagchecheck-upan ko para dun manganak. Ang sabi naman nila pwede manganak ang mga 1st time mom pero need ng clearance ng ob at ang sabi naman sakin pwede ako sa lying in dahil lahat ng labtest ko, ultrasound ay walang problema.

VIP Member

Lying in po ako sa first baby ko ayaw ko nga sana kinulit ako ni OB feel ko nabudol ako kasi sabi manganganak na daw ako wag na raw ako lumipat haha pero kinabukasan pa ko nanganak ng 7am eh 10pm palang nandoon na ko naglelabor na.

VIP Member

FTM nakapagtanong kami sa lying in, tumatanggap naman sila basta normal delivery, pag CS rerefer din nila sa hospital. Doon kasi sa hospital kung saan ako nagpapa-check up ngayon normal 80k pataas tapos cs 100k pataas na

Magbasa pa