BAGONG PANGANAK

bawal ba talaga uminom ng malamig na tubig pag bagong panganak? at bawal rin maligo? jusko init na init nako😭😭😭

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kinabukasan after ko manganak naligo na ako sa hospital. Yes dapat na maligo agad. Dapat malinis tayo pag katabi natin si Lo lalo na mahina pa resistensya nila. Baka sa atin pa magmula ang bacteria na makapagbibigay sa kanila ng sakit dahil di tayo naligo. Lalo na kung breastfeed si Lo. Dapat lagi tayo malinis. Di po dahil sa pagligo ang mga nararamdaman natin after manganak. Normal lang po yan dahil nakaranas ng matinding stress ang katawan nating during labor at delivery. Isama mo na rin ang pag adjust ng hormones natin. Pero eventually unti unti namang mawawala yan.

Magbasa pa