BAGONG PANGANAK

bawal ba talaga uminom ng malamig na tubig pag bagong panganak? at bawal rin maligo? jusko init na init nako😭😭😭

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako nanganak Nung Oct. 13,gang ngayon di pa din naliligo kahit super nairita Nako sa buhok ko, nabinat din Kasi ako. nd pa ako makalakad at nagcchill katawan ko Minsan , at madalas nanakit mga katawan ko nanunuot sa laman gang buto

ako nga bago madischarge pinagpapaligo nako ospital. di totoo yung bawal uminom ng malamig, wag lang madalas para di ka ubuhin at mahirap magalaga ng baby+bagong panganak ng inuubo. lagi ka lang po magsocks para di ka lamigin.

VIP Member

depende po kung kaya ng katawan maligo sa case ko napasukan ako ng lamig kaya tinigil ko at kapag breastfeeding din po iwasan muna sisipunin si baby. super init tlga sa pakiramdam pero tiis lng para mabilis ang paggaling.

VIP Member

yung pagligo po talaga inaadvice na 6-8days before taking bath punas punas ka po muna ng bimpo mahirap mapasukan ng lamig,ung sa water mo nmn po pwede nmn po chilled water wag lang nagyeyelo😊

2y ago

hihi naligo nako nung kaya konang kumilos tska ang binat depende yun sa ginagawa mo syempre po after manganak lahat ng pagod natin kailangan natin ipahinga para manumbalik lakas ng katawan natin kaya need talaga na wag kumilos para di manghina yung katawan natin. at wala pang 1month old baby ko nakakainom nako cold water kung kaya mona kung di na masakit puson mo. wala naman nangyare sakin or depende nalang din sa katawan basically hindi ako gaano paniwalain nasa pagdadala padin natin ng sarili yan kong pano natin aalagaan ang sarili natin pagkatapos natin isilang ang baby natin ☺️

Pagkapanganak ko pinayagan na ko uminum ng tubig. Tinanong ko sa nurse kung pwede oo daw. Uminum ako ng malamig. Okay naman wala naman nangyari. Cguro tamang inum nalang ng malamig wag biglain. Konti lang muna

Cs ako, 3days sa hosp. Pero advice ni OB maligo pag uwi at sabunin yung tahi ng safeguard para mabilis magheal. Pinaliguan ako ng mama ko ng may kasamang dahon ng bayabas at guyabano, warm water din.

paglabas ko ng delivery room nligo agad ako ee. sundin mo payo ng doktor nd ung sbi ng mttanda. iba n henerasyon ngaun. ska uminom nmn ako ng malamig wla nmn ngyre sken ngaun haha nd ksi ako paniwala

CS Mom here, after 3 days nka ligo na ako sa ospital palang bago umuwi..☺️☺️ pagdating sa house nmin araw2na akong naliligo,, tinatakpan lang ang aking tiyan na may sugat para d mabasa🥰

pede maligo kahit kapapanganak lang ako pagkapanganak naligo nko kinabukasan sa hospital kasi sabi sa hospital di nmn bawala maligo tska nakakairita kasi sa lagkit kung dka talaga maliligo

ako po 3 days after manganak naligo na, maligamgam na tubig with dahon ng bayabas,then after 2 days nun regular na tubig na ok nman po ako ngaun 6 weeks na baby ko ☺️