47 Replies

I know this might sound harsh, pero wag mo na hingin tulong niya at ikaw na mismo mag initiate na magpa check up. Libre po checkup sa mga health centers, may binibigay na rin pong gamot. Kung wala pong pake yang partner mo, ikaw na po sana magkusa na gumawa ng paraan para sa baby nyo. Wag natin idedepende sa lalaki lahat ng desisyon natin lalo na't may baby tayo na dapat pagtuunan ng pansin. Instead of wishing na sana mawala nalang kayo ng baby mo, how about do something para ma ensure mo ang safety niya? If there's a will, there's a way. :)

True.

Mag trabaho ka para sainyo ng baby mo. Wag ka na umasa sa walang kwentang asawa/LIP/boyfriend or ano mo pa yan. Soon to be single mumsh here. Working since day 1 of pregnancy. 35wks now, still working, 2wks more before maternity leave. Hindi sa pagmamayabang, pero since day 1 of pregnancy complete vitamins and checkup ko, malapit ko na rin ma complete gamit nya. Without help of his father, and pati family ko. Surviving on my own! ❤

Kung ramdam mo hindi kayo priority, wag nating ugaliing nakadepende sa mga partner natin. Kung nabiyayaan tayo ng matinong partner swerte natin.. pero pag medyo sablay.. gumawa na lang tayo ng paraan magsurvive lalo na ngayon magkakababy ka na. Need mo mag isip ng paraan para maprovidan sia ng mga needs nia. Dapat alagaan natin mga sarili natin kasi kailangan tayo ng mga baby natin. May option po tayo na wag umasa sa kanila.

Mommy gora ka sa mga health center. Alam ko may free consultation and free vitamins po don para maalagaan kayo ni baby. Di ka na ba pwede umuwi sainyo? Para mas maalagaan ka ng family mo. Mukhang wala kang future diyan sa partner mo. Mas okay na yung maghirap kayo pero magkasama kayo ni baby kesa magstay ka pa jan sa ganyang klaseng lalaki. Anyway, kaya mo yan. Lumaban ka lang para sa inyo ni baby. Pray, mommy. 🙏

mag kain kain ka muna mommie ng mga foods na healthy para sa inyo.. tapos, pwede ka nman po magpa check up sa center nyo.. libre dun check up and vitamins, bbigyan ka.. sa lab test nman, bbigyan ka ng center ng referal, tapos punta ka sa ospital na nirefer sayo.. kadalasan walang bayad, pero kung meron, maliit lng.. 😊 wag mo isipin na mawala kayo ni baby, sya nlang kamo mawala, wag kayo 😁

Sa center po dyan sa barangay nyo, punta ka momsh. Wala bayad pacheck up dun, at gamot. Kain ka din masusustansya, ibawi mo muna sa kain para kay baby. Para iwas sakit kayo. Tas more on tubig. Hayaan mo yang asawa mong puro dahilan, kung ako lang ikaw. Iniwan ko na yan. Wag ka mastress, much better dun ka muna kaya sa parents mo mag stay para matutukan kam kesa gipitin kayo ni baby mo.

Unang una, bakit ka nagpa buntis sa gnyan klaseng lalake? Di mo ba kaya mag isa? Umabot ka na ng 5 months pero di ka pa nagkusa gawan ng paraan para maka pa check up ka. Apat na buwan nalang manganganak ka na 🙄 sikapin mo na buhayin sarili mo at ung magiging anak mo. Isipin mo nalang magiging sitawasyon niyo ng anak mo pag nanganak kana, check up pa nga lang di kana masuportahan

Moms. Libre lang sa center go ka nalang dun. Baka maliit si baby or hindi healthy, nung experience ko kasi sa 1st born ko diko alam na preggy ako and 5months na pala siya nubg nalaman ko parang busog lang kasi ako kaya ayun nug nakapanganak ako at newborn siya yung dugo niya is hindi ganon kadami nakuha at payat siya. Pero buti wala naman komplikasyon.

Ikaw nalang po muna mag pa check up kung ayaw nya. Buti nalang po yung lip ko binenta nya yung motor nya para sa check up namin ni baby kasi mahal yung mga gamot ko. At lagi sya naka focus para samin ng baby ko. Hindi nya na binibili mga bagay na gusto para samin ni baby. Sana mag bago po yung partner nyo para sa inyo dalawa☺️

Wag mong sabihin yan sis. Gawin mo nlng kung wala pang budget si mr. kain ka nlng ng mga masusustansyang pagkain gulay mga dahon dahon, isda at kung may budget sa prutas kahit saging magsaging ka. Kung magkaluwag luwag magpacheck up ka na. Punta ka sa health center libre doon ang check up at folic acid.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles