Buhay o bagay?

Bat ganun sya mas pinipili niya ung mga bagay bagay kaysa sa buhay? Tinanong ko lng naman kung anong plano niya samin ni baby kc 5 months na wala pa ring kaming vitamins na tinetake o lab test. Marami pa daw siyang uunahin. Nagsasabi daw ako pag wala siyang pera. Eh sinasabi ko naman kahit may pera siya kaso napupunta lng naman sa bahay at pagkain namin. Tapos cp daw ako ng cp kung anong nakikita ko kc dito sa app na information about pregnancy at kay baby sinasabi ko sa kanya. Eh kaysa maremind siya wala galit pa siya. P.S. Mga mommies sorry ah wala akong makausap eh. Bat di na lng kami mawala ni baby kung mamatay lng din naman kmi sa ginagawa ng walang kwenta niyang tatay? ??

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magiging nanay na tayo, dapat marunong na tayo dumiskarte para sa magiging anak natin. Mahirap dumepende sa mga walang kwentang lalaki.. Walang mangyayari satin nian. Seek help sa relatives, or may center naman na nagbibigay ng mga libreng vitamins and checkups. Kaya natin yan momshie.. 😊 pray lang tayo

Magbasa pa

Momsh pag ganyan sarili nalang po natin asahan natin di po natin mapipilit ung isang tao lalo na kung walang bayag ay este kung ayaw pala. Kaya fighting momsh kaya yan isipin nalang natin si baby at alagaan ang sarili! Lahat ng paghihirap natin mapapalitan po in gods name! 💖💖💖

Siguradohin mo yung sarili mo at kapakanan ng bata sis...buntis kana Hindi na pwdeng ibalik..isipin mo yung anak mo ikaw n mismo pumunta sa center...Hindi makatulong c hubby kung mapapano ka...ikaw lng makatulong sa yung sarili.

Try mo din po sya isama sa ob mo para aware sya sa mga need mo baliktad naman sa asawa ko or oa lang talaga asawa ahaha ngsesearch sya ng knya bukod sa mga ssbhin ng ob like sa food pag my mga test naman sasamahan nya ako agad agad

5y ago

Ako rin po mag isa lng sa bahay with my 3 furbabies pag nasa work si partner

sa center nalang po kayo pa check up at hingi vitamins free dun tanong mo lang ano araw check up ng mga buntis..wag muna asahan asawa mo mahalaga ang vitamins lalo pag nagsisimula pa lang kasi nagdedevelop na si baby

Ikaw na mismo mgpa chck up sa sarili mo.,meron namang libre sa center.,wag kanang mghintay jan.,walang pakialam sa mundo yan.,dapat jan iwan mo nlng para kana rin lng namang single mom sa asal nyan

Punta ka sa center ng barangay sasabihin sau mga family planning na babagay sau.. Alagaan MO sarili MO habang iisa pa lng ata baby nio para d ka mahirapan kng alanganin pakisamahan ung asawa MO.

Momsh, punta ka sa pinakamalapitna brgy. Health center, may free vitamins dun.. At pag pinanganak pa si baby may mga vaccine na free din.. Sa amin okay yung brgy. Health center namin..

TapFluencer

nkakalungkot sis.. Hugs for you.. need muna magpacheck up sis. need nyo ng vitamins ni baby... nakoo naman... kasal ba kayo nyang tatay ng baby mo. bakit wala syang pakialam. naiinis ako =(

5y ago

Hiwalayan mo na mastress ka lang jan. Paglabas ni baby mas madami needs like milk and diaper etc. Mas mahihirapan kayo parehas at maistress. Hingi ka nalang sustento pa-barangay mo pag ayaw magbigay pero wag kna makisama.

Wag ka mag isip ng ganyan mamsh. Kung wlaang paki ang partner mo, iparamdam ko kay baby na anjan ka pa din para sa kanya. Wag masyado mag isip ng mag isip. Kaya mo yan! ☺