Mga bawal na pagkain

Bat ganon? Yung iba ang daming pagkain na binabawal. Sa Ob ko wala. Lage nyang sinasabi yong tuwing check up ko. Wala dawng bawal na pagkain. Lahat daw kainin. Napagalitan yung partner ko ng papa ko nung nakaraan. Pinabili ko kasi ng talong. Bantay sarado talaga ako sa talong. Eh di ko na natiis mga mi. Ang tigas daw ng ulo ko kahit sinabihan ko na na wala namang binawal sakin doctor ko. Tsaka once a week lang naman. Minsan nga every other week pa.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mahirap na kalabanin ang pamahiin ng matatanda sis 😅 hayaan nyo na lang.. ako nga talong gustung gusto kong ulam nung 2nd tri, fried yung kinahiligan ko. tapos nung 1st tri tortang talong naman at banana ketchup dapat ang sauce ko (Papa ang brand dapat ng ketchup), okay naman baby ko, healthy at active at di naman nangitim. di naman bawal ang talong kasi.. actually totoo naman yung sabi ng OB mo.. and need mo lang iwasan yung raw, half cooked foods, yung unpasteurized milk products, at seashells na di nahugasan ng maayos. daoat lahat malinis pagkakahugas at luto, other than that po, in moderation na lahat ng foods.

Magbasa pa

same 🤣 second tri here, pero sa isang linggo siguro 2days lang mwala ang talong sa ulam namin sarap kaya ng prinitong talong