Pagkain

Bawal po ba talaga kumain ng talong ang buntis?

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I read this article and hope this will help us mommies to better understand the pro's and con's of eating eggplant.. Bawal nga ba ang talong sa buntis? 4 min read Mahirap maniwala sa sabi-sabi lang, kaya’t narito ang katotohanan tungkol sa isang sinasabing bawal para sa buntis—ang talong. Marahil narinig niyo na bawal na pagkain sa buntis ang talong. Totoo ba ito o isang pamahiin lamang? Kilala ang talong, eggplant, o aubergine, bilang isang gulay na napakaraming benepisyo para kalusugan. Pero pagdating sa mga mommies-to-be, may mga debate pa tungkol dito. May sinasabing side-effects sa pagkain ng talong kapag may sanggol sa iyong sinapupunan. Mayro'n mang mga mabuting dulot sa kalusugan ng mag-ina ang talong, mahalagang malaman na kapag nasobrahan, may dalang di-mabuting side effects sa nagdadalang-tao. Sa India at ayon sa Ayurvedic beliefs, ipinagbabawal ang pagkain ng talong habang buntis, dahil sa mga sumusunod na dahilan: 1. Maaaring malaglag ang sanggol sa sinapupunan May taglay na mataas na lebel ng phytohormones ang talong, na nakakatulong sa problema sa menstruation tulad ng premenstrual cramps, at pati sa pagpapalabas ng dugo kapag may amenorrhea. Kaya sinasabing delikado ang talong sa isang nagbubuntis dahil maaaring maging sanhi ng miscarriage, ayon na rin sa isang pag-aaral sa University of Hawaii tungkol sa benepisyo ng talong at maaaring maging problema kapag nagbubuntis.1 Pero ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, wala pang lubusang ebidensiya at pag-aaral na nagpapatotoo dito. “Sa amin kasi hangga’t walang medical journals, di namin pinapaniwalaan. Ang mga Medical Journals kasi ay base sa mga human clinical trials. At pagdating sa kung ang talong ay nagiging sanihi nga ng pagkalaglag, wala pang patotoo dito,” paliwanag ni Dr. Villarante. 2. May posibilidad ng Premature Delivery Maaaring maging sanhi ng uterine contraction ang isang nagbubuntis kapag nasobrahan sa pagkain ng talong. At kapag malala ang contractions, puwede ring magtuloy sa premature delivery. 3. Acidity Sanhi din ng pagkakaro'n ng acidity at pananakit o paghapdi ng tiyan ang gulay na ito. 4. Problema sa digestion Kapag hindi lubusang naluto, nagiging sanhi ito ng problema sa panunaw ni Mommy. At anumang digestive problems ay hindi mabuti para sa nagdadalang-tao. Kung kakain nito, siguraduhing lutong-luto ito, at lilimatahan ang dami ng kakainin. Benepisyo ng talong Buntis man o hindi, karaniwang kaalaman na ang maraming benepisyo ng talong sa ating kalusugan. At dahil ang isang talong ay may taglay na 6.4 mg ng vitamin A, 4.9 g ng dietary fiber at 6 mg ng iron, hindi naman ito ipinagbabawal ng mga doktor sa mga nagbubuntis dahil ito ang mga essential nutrients na kailangan nila. 1. May folates at folic acid na nakakatulong na maprotektahan ang sanggol laban sa birth defects. 2. Mayaman sa Vitamin C, niacin, B complex, vitamin A, and vitamin E, na makakatulong sa development ng bata sa sinapupunan. Mayron din itong potassium, copper, manganese, at iron, na makakatulong sa pagdami ng blood supply at hemoglobin count. 3. Nakakatulong sa regulasyon ng gestational diabetes dahil napipigil niya ang pagtaas ng blood sugar level. 4. Dahils sa mayaman ito sa fiber, may panlaban si Mommy sa constipation. 6. Nakakapagpababa ng Bad (LDL) Cholesterol, at nakakapagpadami ng good (HDL) cholesterol, kaya’t makakaiwas sa anumang problema sa puso at stroke. 7. Nakakatulong sa pagsugpo ng Hypertension lalo kapag buntis, dahil may taglay itong bioflavonoids. Sa madaling salita, hindi ipinagbabawal ng mga medical experts ang pagkain ng talong, pero isang mariing paalala ang binibigay ng mga doktor na katulad ng anumang pagkain, huwag kakain ng labis kung ikaw ay buntis para makaiwas sa anumang problema o komplikasyon. Moderation ang susi, at ayon nga sa kasabihan, “Prevention is better than cure.” Kung kaya din naman na tuluyang iwasan ang gulay na ito habang nagbubuntis, para makaiwas sa anumang problema at komplikasyon, para kay Mommy at baby.

Magbasa pa

Dami din nagsasabi sakin na wag daw kumain ng talong habang preggy ako, kasi daw nagkakaroon ang baby ng mga balat na blue-ish/green-ish. Hehe. Pinagtataka ko lang, kasi yung mga nagsasabi sakin nun, di nga sila kumain ng talong nung buntis sila pero nagkaron pa rin ng ganun na mga balat yung anak nila. Tinanong ko naman yung OB ko, okay lang daw, bawal daw kung allergic ako sa talong haha every week kumakain ako ng talong eh

Magbasa pa

marami dto sain nagsasabi na bawal nga daw.. dahil paglabas daw ni baby may mga batik-batik daw sa balat niya na parang kulay green. pero natatanggal din daw habang lumalaki si baby.. ang tawag dito samin sa batik batik na un is "Subi-Subi" ewan ko lang kung totoo..kc ako crave na crave ako sa taLong pero pinagbabawalan ako.. Mga kasama ko kc sa bahay, puro matatanda..😂

Magbasa pa

Ang alam ko po bawal.. Kc my effect xa sa bata kc ung anak nung pinsan ko gnun ngyari d nmn kc agad mkikita eh..ako as a 1st time mom khit sabi sabi naniniwla ako kc lalo na kung d nmn kawalan na maniwala..sabi nung mga tita at mama ko maniwla k lng samin d ka mhihirapan katulad nila..

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-102250)

Hindi po. Sa 1st born ko inuulam ko yang talong healthy naman sya. Kahit ngayon sa 2nd pregnancy ko kumakain parin ako.😊 Hindi rin po kasi ako masyadong naniniwala sa sabi sabi. Sa ob ko lang ako nagbabase.😊

..hindi nman po... ..may mga ob po nag oorient ng mga momshie n buntis at sabi wala po bawal n pagkain s buntis bsta po proper diet... .kung kakain ka wag masyadong madami.. .kahit po s mga fruits

Ang sabi sabi bawal daw. But then nasayo parin yan mumsh, pwede ka kumain pero in moderation if d m tlga mapigilan. Pero if na niniwala ka sa sabi sabi then its better not to eat po. Hehe

Di naman siguro ako kumakain naman pero di nga lang madalas, sa 1st trimester lang naman maselan eh, but for the next trimesters pwede naman na lahat aslong moderations lang dapat.

Sabi nga ng mga officemates ko bawal daw kc msma daw sa skin ni baby. Pero Di ako nkinig sa knila kc Sabi NG Nanay ko pwede nman. Ayun.. Healthy nman baby ko, and mgnda din kutis.