5 Replies
Mommy ako talaga ayoko din ng c-section. Prinepare ko sarili ko sa months leading up to my due date. Exercises at mga galaw na nirekumend ng OB ko. Alam din ng OB ko na unless the baby is in trouble, HUWAG NA HUWAG mag c-section. Puwede nyo naman po pagusapan yan sa OB ninyo. Ma-eexplain naman nila kung bakit kelangan ang emergency c-sections. Ito din po puwede ninyong basahin: https://ph.theasianparent.com/c-section-information-philippines
Hi mommy. CS mom ako dahil maliit sipit sipitan ko. Maraming reasons bakit na CCS. Pwedeng nagkapre eclampsia si mommy at kelangan ng mailabas agad si baby, cord coil si baby o kaya breech, natuyuan na ng water bag si mommy, nakakain na ng poop si baby, masyado ng malaki si baby sa loob, twins ang baby at maliit ang sipit sipitan ni mommy. Yan ang mga common cases bakit na CCS.
ako naCS kasi wala na pala ko water, low amniotic fluid na ko nung EDD ko.. di ko alam may leak na pala kasi sobrang hina, sumasama siya sa leukorrhea ko kaya di ko napansin.. momy kahit ayaw maCS if need talaga wala ka magagawa esp. if distress na si baby sa sobrang tagal na di bumubuka ung cervix mo o malaki siya masyado di kasya sa sipit sipitan mo etc.
Hindi pwede basta basta i cs..may mga dahilan lalo kung s public hospital k mnganganak hndi ikaw ang pde mag decide .sila masusunod.kpag high risk lang ang pagbubuntis un ang mga na ccs po..like mga nag ha high blood at pumutok n ang panubigan.
Agree mas mahal pero minsan may health reasons po kung baket nag oopt for CS ang ibang mommies. check nyo dito baka mas malinawan ka :): https://ph.theasianparent.com/c-section-information-philippines