Bakit may panginginig ng kamay at paa ang baby ko pag natutulog?

Normal lng po ba 'yun? Paano mawala ang panginig ng kamay o ano ang mabisang gamot sa panginginig ng kamay? 16 days-old palang po ang baby ko. Worried na po kasi ako.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

FTM ako, naexperience ko po yan sa baby ko ng mga hanggang 1 month pero occasionally. Sabi pa nung pedia nya dati irerefer daw kami sa neurologist dahil isa yun sa sinabi kong concern namin kay baby. Then, nagtanong ako sa sister ko kasi mas nauna s'yang maging mommy sa 'kin, sinabi n'yang normal daw yun at naexperience nya sa 2 kids nya. Tapos po nabasa ko sa tracker dito sa app nung 20 days si baby. Now, he's going 6 months na and wala na yung ganong movement. Hindi na rin kami bumalik sa pedia nya kasi tinatakot lang ako lalo. Minsan mas magandang magtanong sa mga may experience na mommy. 😅

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

Hello po..Tanong lang po paano pong panginginig??

Ganyan baby ko nung newborn. Akala ko nilalamig nung nasa ospital pa kami kasi nakabukas mga bintana. Binalot namin sa pranela plus naka long sleeves pa. Ayun nilagnat. Napagalitan pako ng pedia ko. Normal daw sa newborn yung nanginginig. Wag daw balutin kasi mag ooverheat katawan nila magiging cause ng lagnat since mainit sadya katawan ng baby. Mawawala din po yan.

Magbasa pa

Normal lang po ba sa bata ang laging may panginginig ang kamay at paa kapag natutulog na siya? Minsan din nagliligalig. 2 buwan na po anak ko, at yan po ang napapansin ko sa baby ko yung panginginig niya kapag siya ay matutulog na. Sana may makakasagot sa aking katanungan?

2y ago

kapag nanginginig yung paa ni baby saken kase yung isang paa nya chineck ko kapag umiihi sya gumaganun yung paa nya normal naman daw yun mawawala din 2 months na si baby

Naipacheck up nyo po b ung panginginig ng kamay at paa ni baby nyo pg ntutulog..ung baby q din po kc ngayun ganun din cya lalo pg nahimbing ng tulog..

Baka nagigitla lang po. or yung biglang magugulat ket wala nman maingay lalo pag tulog. normal yun pero para di mgkaganun ipitin mo siya ng unan sa dlwang kamay.

Nlalamig po sya nun kasi sanay po sila sa loob ng tyan na mainit, pag po gnun pwede nyo sya iswaddle para feel nya nasa loob pa din po sya ng tummy nyo.

muscle reflux po tawag s gnyn momsh, mawawala dn po yn, my time p nga po n sobra clang magugulatin 😊😊😊😊😊😊

Hello mga mi, normal din po ba yung panginginig nang isang paa nang baby ocationaly? Firstime mom din po. And 6weeks palang po si lo. Thank you

2y ago

same question po. simula kahapon napansin ko ang pagnginig ng paa ng LO ko. nababahala din ako. ano na po nangyari sa LO niyo mamsh? ok na ba?

Hindi po siguro nilalamig yan kase npakainit nmn ng panahon unless nka aircon . Dalawang pedia na napa check upan nmin same advice binigay

Mommy nag hahanap lng po sya NG katabi ganyan din baby ko tinabihan ko lng NG mga unan ndi napo sya nanginginig pag natutulog