baby ayaw mo ba ky mommy?

bakit po kaya si baby kasi pag ako kumarga iyak ng iyak ayaw tumahan pag ibang tao naman tumatahan agad ayaw ba nya sa akin? mag 2mos plang si baby.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Mi! Ako din may ganung pakiramdam, hindi din siya tumatahan agad. Umaabot din ng siguro isang minuto ng sayaw2 at adjust ng pagkarga.'wag mo lang sukuan agad si baby. Kausapin mo din at ilapiy mo sa face mo pag kinakausap habang karga. Pwede mo din ilayo sa crowd pag kinausap mo.❤️ Ngayon napapatulog ko na si baby ko. Dati kasi pag hindi tumahan, kinukuha din agad ng iba(hubby or kamaganak) wala pang 1minute. Wag mo agad ipasa or kausapin mo sila na pagbigyan ka pa. Usually family nagpapanic para sa atin, kaya kinukuha agad nila ang bata. Pero tingin ko naalala din ng baby ang pakiramdam ng 9months sa sinapupunan mo. Ikaw lang ang may ganung bond sa kanya. Basta wag mo(niyo) lang sukuan agad, minsan or madalas stressed lang talaga sila sa bagong environment (outside world).❤️

Magbasa pa