Bakit po kaya ayaw magpababa ni baby ? Tapos iyak ng iyak di rin po natutulog . Simula po pagkapanganak ko sa kanya ganun sya 1 month and 4 days na po kami. Minsan naiiyak ako kasi parang nagkulang ako. Busog naman po sya , pinapaburp naman po namin ng maayos , pinapalitan ng damit at pampers . Malinis at maayos naman po tulugan nya . Try na po namin ng swaddle ayaw pa rin , pati ung pampamassage na tiny buds sleeping time. 😞 tapos kapag nagdede parang inaaway nya ung dede nya . Parang nagtatantrums po , kahit pagpalit ng pampers or damit iyak pa rin po ng iyak. Ginawa na din po namin na habang natutulog sya di namin binababa kaso nag iiyak pa rin po at nagigising .